Chapter Two

3.4K 59 2
                                    

JARED'S POV

"Lancaster!" I screamed in shock, lalapit sana ako sa kanya pero hinawakan lang ni Scorpio ang wrist ko at hinila ako palabas ng bar. "Let me go!" I said at pilit na pinapahinto siya sa paglalakad pero hindi iyon nagtagumpay.

Maya maya lang ay tumigil kami sa tapat ng poste kung saan kita ko ang madilin niyang ekspresyon sa mukha.

"What is your problem!?" Inis na tanong ko dito. Nanatili naman itong nakatingin sa akin and I just rolled my eyes. "Bahala ka na nga diyan, nakaka-asar ka!" I said at tinalikuran na ito pero hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya ulit ang wrist ko at iniharap sa kanya.

He cupped my face and next thing I knew.

He kissed me.

My eyes widened and tried to calm my self.

Push him away!

At ginawa ko naman.

At siyempre, may kasamang sampal iyon.

"Ano ba!" I said. "Bakit ka nanghahalik!?" Asar na tanong ko at mas lalo lang akong naasar ng ngumiti ito sa akin.

"Masama bang halikan ang asawa ko?" He asked.

"Asawa? who?" I mocked at saka tinignan ang paligid. "Ako ba? ay hindi ko alam." Pambabara ko.

"Asawa kita Jared"

"Wala ka ng karapatan sa akin simula noong nagdala ka ng babae sa bahay at ikinama mo pa sa mismong kama natin." Sabad ko.

"It's been 3 years" He argued.

"Oo alam ko, it's been three years pero parang kahapon lang sa akin yon Spade! Tangina, hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng niloko!" I said as my tears started to fall. "Ang alam mo lang kasi iiyak lang ako at magmu-mukmok sa isang tabi tapos okay na lahat! Sana nga ganun kadali iyon!" Dagdag ko habang dinuduro siya sa dibdib niya.

"Jared I--"

"Kaya wala kang karapatan na pakiealaman ako sa mga ginagawa ko at wala kang pakielam kung sino ang ide-date ko. Tangina ka, akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo sa boyfriend ko noon ha?" I said.

Hindi naman siya sumagot, instead ay hinawakan niya lang ang kamay ko na dumuduro sa kanya.

"Bitawan mo ko!" I said at kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Let's start again Jared.." He said at napahinto naman ako.

"A-ano?" I asked, making sure na tama ba ang narinig ko mula sa kanya.

"I said, magsimula ulit tayo...let's work things out..." He said.

Saglit naman akong nakatingin sa kanya bago tumawa ng malakas na para bang nag-joke siya.

"Tangina, kwento mo sa pagong." I said. "Tapos ano? kapag sawa ka na ulit lolokohin mo na naman ako?" I asked.

"No it's not--"

"Once a cheater, always a cheater Scorpio. So no, ayoko na. Sapat na ang pananakit mo sa akin sa loob ng tatlong taon." I said dismissing the topic.

At sa pangalawang pagkakataon, tinalikuran ko siya at naglakad na palayo.

"Hindi ko pa pinipirmahan ang annulment papers na ipinadala sa akin." He said.

Huminto naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"What?" I asked, making sure that I heard right. Again.

His Series #9: Scorpio MiddletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon