<Valentines Special>
JARED'S POV
"My sweet, sorry na.." Scorpio said on the other line.
"Give me a reason kung bakit hindi dapat kita ipa-assasinate ngayon?" I asked.
"Kasi gwapo ako?" He asked.
"Not applicable."
"Jared naman!"
"Sinisigawan mo ko?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"OF COURSE not my sweet, nagpapaliwanag lang ako." Malambing na sagot nito.
Tumingin naman ako sa labas ng kotse, kasalukuyan kasi akong papunta sa airport pabalik sa Pilipinas.
And Scorpio called me at paulit-ulit na nag-sorry kasi nga natulugan niya ako.
Well, naintindihan ko naman siya kasi according kay Hans, his assistant. Sunod-sunod ang naging operasyon niya sa araw na iyon.
Pinagti-tripan ko lang talaga siya, ang cute niya kasi mag-sorry.
"Nagpapaliwanag? bakit tumataas yang boses mo?"
"High-pitch lang talaga ako my sweet." Pagdadahilan nito, pinigilan ko naman na matawa sa sinabi niya.
Scorpio has a low voice pero hindi naman ganoon kababa. Para siyang lalaki na hindi dumaan sa pagkabinata at hindi man lang lumaki ang boses.
"Kwento mo sa pagong Scorpio, hindi ka high-pitch." Sagot ko.
Napangiwi naman ako ng bigla itong bumirit sa kabilang linya, kahit si Blackie ata mabu-bwisit sa ginagawa niya.
"Scorpio!"
"I told you, high-pitch talaga ako!."
"Sinisigawan mo na naman ba ako?"
"Hindi naman sa ganun my sweet, nagpapaliwanag lang talaga ko. Promise!" He answered at may halo namang pagpapa-cute ito. "Gusto mo VC tayo? miss na talaga kita." Pagpapa-cute ulit nito sa akin.
I rolled my eyes pero this time may mga ngiti naman sa labi ko.
Okay fine! kinikilig na talaga ako!
"Tigilan mo ko."
"Sige na please? gusto lang talaga kita makita." He plead again.
"Pauwi na ako." I said at natahimik naman ang kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko doon, "Tinulugan mo na naman ba ak--"
"YES YES YES!!!" He screamed on the other line at napangiwi naman ako dahil sa lakas noon. "MGA KAPITBAHAY UUWI NA SI JARED!" Sigaw ulit nito sa akin at natawa naman ako sa sinabi niya.
Sa pagkaka-alala ko, medyo malayo ang katabing bahay niya doon.
"UUWI NA ASAWA KOOOOO!" he screamed again.
"Tumigil ka na nga! baka i-report ka ng mga kapitbahay diyan!" Saway ko dito.
"Eh sa excited akong umuwi ka eh, bakit ba?" He asked.
"Tumigil ka na okay? saka may kasalanan ka pa sa akin diba?" Tanong ko at natahimik naman ulit siya doon.
"Jared naman!"
"Sinisigawan mo ko?"
"Hindi, nagpapaliwanag lang my sweet." He said at na-imagine ko naman na nakangiti ito habang sinasabi niya iyon.
BINABASA MO ANG
His Series #9: Scorpio Middleton
Romance3 years. Sa loob ng 3 taon na iyon namuhay si Jared na punong-puno ng galit sa kanyang asawa or should I say dating asawa na si Scorpio. Because of cheating Sa loob ng 3 taon na iyon, pinilit niya ang sarili na kalimutan ang lalaki pero hindi siya n...