Chapter Six

2.4K 50 0
                                    

SCORPIO'S POV

"Scorpio! stop your wife for pete's sake!" Hinihingal na sabi ni Zaim. Bahagya namang kumunot ang noo ko.

"Why? what happened?" I asked.

"She's *huff* going out to meet his father!" He informed, kaagad naman na tinakbo ko palabas ang building na iyon.

"Miss Jared is on the garage!" Rinig ko na sigaw ng isa sa tauhan ni Zaim kaya duon ako dumiretso.

Nang makarating na ako duon ay sakto naman na paalis na ang kotse kung saan nanduon si Jared, sumakay naman ako sa isa sa mga motor duon at luckily nandoon ang susi. Okay, sinong matinong tao ang magi-iwan ng susi sa motor?

Pinasibad ko naman ang motor na gamit ko at sinundan si Jared, kinabahan naman ako dahil mabilis ang pagpapatakbo niya at medyo pa-zigzag ang daan dito sa kampo nila Zaim.

Baka kung mapano siya.

Nang makarating na kami sa mas maluwag na daan, binilisan ko ang pagpapatakbo sa motor hanggang sa maabutan ko ang kotse niya. I knocked the window of the driver seat kung saan niya nanduon at maya maya lang ay bumaba ito.

"SCORPIO!?" Gulat na tanong nito.

"Yes my sweet cupcake!" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Layuan mo nga ako!"

"Ayokong lumayo sayo, baka ma-fall ka sa iba!" 

She just rolled her eyes at saka itinaas ang salamin ng kotse, I let out a sigh at saka tumingin sa paligid bago inunahan ang kotse ni Jared at saka iniharang ang motor di kalayuan sa kanya.

Inihinto naman niya ang kotse niya at pagalit na lumabas.

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND!?" Sigaw nito sa akin.

"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?" Sagot ko sa kanya.

"Move Scorpio or else sasagasaan kita." Banta niya but I just gave her a smile.

"C'mon my sweet cupcake, kumalma ka muna at pag-usapan natin to" 

"No, labas ka sa problema ko Scorpio. Baka madamay ka pa kaya tumabi ka na diyan." She said.

"Asawa mo ako Jared."

"Kailangan ko bang ipaalala sayo na simula noong nagdala ka ng babae sa bahay natin wala ka ng karapatan na tawagin ako na asawa."

"Kailangan ko rin bang ipaalala sayo na hindi ko pa pinipirmahan ang annulment papers natin kaya pwedeng-pwede kitang tawagin na asawa anytime." Sagot ko.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang wrist nito pero binawi niya lang iyon at ikinagulat ko naman ang sunod niya na ginawa.

Sinuntok niya ako.

Napahawak naman ako sa pisngi ko kung saan niya ako sinapak.

"What was that for!?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Matagal ko ng gustong gawin yan sayo, ngayon lang ako nagkaroon ng chance." She answered.

"Okay ka na? pwede na tayong bumalik sa kampo?"

"Actually no." She said at saka tinalikuran ako pero hinawakan ko lang siya at hinarap sa akin, bago siya hinalikan sa labi.

Halata namang nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay sinagot niya iyon, and that made me melt.

My hand found her nape and I immediately pressed her pressurepoint at maya-maya lang ay nawalan ito ng malay.

"That was a good distraction." I commented at saka binuhat ang walang malay na katawan nito at dahan-dahan na isinakay sa kotse.

His Series #9: Scorpio MiddletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon