JARED'S POV
"Uhm..Miss Jared." Tumingin naman ako kay Gemma na siyang tumawag sa akin.
"What?" I asked.
"May bisita po kayo."
"Siya na naman ba? sabi ko bumalik siya after one week." Pagrereklamo ko.
"Actually, hindi po." She said.
"Sino?" I asked in confusion.
"Lumabas na lang po kayo para makita niyo." She suggested.
Kahit nagtataka ay sinunod ko ang suggestion niya, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka lumabas ng bahay.
May lumapit naman sa akin na isang white american bobtail cat na kilalang-kilala ko kung sino ang may ari.
"Scorpio." I said.
"Hi." He smiled at saka may iniabot sa akin na isang bouquet ng daffodil.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Wild guess?" He said more than a question.
Saglit na tinignan ko siya bago umatras. "Pasok ka." Pag-aya ko at saka lumakad papasok sa loob.
Nang makarating na kami sa loob ay ibinaba niya si Blackie sa tabi niya.
"Gemma, leave us." Utos ko at tahimik naman na sumunod si Gemma. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay kaagad na nagtanong ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I'm here to say sorry." He answered. "Hindi ko alam na wala na pala ako sa pwesto para umakto ng mga ganun."
Hindi naman ako sumagot at tumingin sa mga bulaklak na ibinigay niya.
"I was hurt Scorpio, sana maintindihan mo." I said.
"Then let me take that pain away."
Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Let me in Jared." Dagdag niya.
"I-I'm scared Scorpio."
"I know, that's why I'm here." He said at saka hinawakan ang kamay ko. "Hinding-hindi na kita sasaktan ulit."
"Paano ako makakasiguro?" I asked.
"Then kapag nasaktan kita, you have all the right to leave me. Kahit masakit papakawalan kita."
My heart clenched ng marinig ang salitang 'papakawalan'
"You will do that?"
"Yes kasi ganun naman kapag mahal mo ang isang tao diba? kahit masakit kung hindi na siya masaya sa piling mo papakawalan mo." He said.
"One chance." I said at ikinangiti naman niya ito.
"One chance." He answered.
"Fine."
"You mean..."
"Yep." I said at saka tumayo mula sa kinauupuan ko. "Isang beses lang to, sulitin mo na."
Pumasok naman ako sa kusina para maghanda ng kakainin namin at napapitlag naman ako ng may yumakap mula sa likod ko.
"Scorpio..."
"Thank you so much." He said at saka hinalikan naman niya ako sa pisngi bago lumayo sa akin.
"Doon ka muna, magluluto lang ako. Ano bang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
His Series #9: Scorpio Middleton
Romance3 years. Sa loob ng 3 taon na iyon namuhay si Jared na punong-puno ng galit sa kanyang asawa or should I say dating asawa na si Scorpio. Because of cheating Sa loob ng 3 taon na iyon, pinilit niya ang sarili na kalimutan ang lalaki pero hindi siya n...