Nasa harapan ako ng salamin suot ang uniform ng eskwelahan kung saan ako papasok.
Hindi ko maiwasang mapaisip, kung paano nalang kaya ang records ko noon sa dati kong school? Hindi sa pagmamayabang pero ako ang top natcher sa amin. Naniniwala kasi ako na pag ginalingan ko sa school at nagpursigi ako ay maiaahon ko na sa hirap si lolo. Pero ngayon... wala na ang dahilan ng pagsisikap ko sa pag aaral.
"Summer anak... nakapag prepared kana ba?"
Pumasok si Mommy sa kwarto ng nakangiti. Isang linggo na ang nakalipas nang simulan ko ang panibago kong buhay. Isang buhay na aaminin kong pangarap ko noon. Magandang mansion, maayos na kwarto, magagandang damit at hindi kapos sa pagkain at pera. Isang marangyang buhay na inaasam ng mga tulad kong ipinanganak na salat sa buhay.
"Opo mom" ngumiti ako. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na tawagin siya sa ganun paraan.
"That's good! oo nga pala, your cousin will be back from Cali later para kamustahin ka! Maaga kitang ipapasundo sa driver mo para ma-meet siya okay honey?"
Tumungo nalang ako at ngumiti ng maliit. Kinuha ko ang bag ko at tsaka bumaba sa sala. Naroon si Mr.Zamora--ang daddy ni Summer--at umiinom ng kape niya habang hawak ang isang tablet, mukha nagbabasa siya ng balita.
"G..good morning po"pagbati ko.
Tinignan niya ako ng ilang segundo.
"Good morning"tipid na sagot niya at muling bumalik sa pagbabasa niya.
"Kevin let's go? Ihahatid natin si Summer sa school niya right?"saad ni mommy.
"Oh. Sure"tumingin siya sakin at ngumiti. Pero hindi ko alam kung tunay ba yun o hindi. Mahirap talagang basahin ang mukha ni Mr.Zamora lalo na't palagi siyang seryoso.
Sumakay kami sa kotse, nasa likod ako at nasa passenger seat naman si mommy.
Alam ko at ramdam ko na hindi gusto ni Mr.Zamora ang sitwasyon ng katawan ng anak niya ngayon. Hindi niya gusto na iba ang nasa loob ng katawan ng anak niya at wala siyang magagawa. Pero hanggang kailan kaya ako mananatili sa katawang ito? Hanggang sa susunod na kamatayan ko na kaya ulit?
Ilang minuto lang ang biyahe papunta sa school. Si mommy ang daldal ng daldal sa biyahe kaya hindi naging awkward.
"Goodluck Summer! Tandaan mo, wag kang kakabahan okay?"
Ngiti lang ang iginanti ko kay mommy. Tumingin naman ako kay Mr.Zamora, hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at bahagyang ginulo iyon.
"Remember what I've told you. Be Summer"he said in a low voice.
Tumungo ako at tinalikuran sila pareho. Pumasok ako sa napakalaki at mukhang mamahaling school. Mayaman, sosyal, at maraming iba't ibang lahi ang mga studyante dito.
Pagpasok ko palang ay ilang studyante agad ang napatingin sakin. Para bang isang milagro ang pagtapak ko sa eskwelahang ito. Kung hindi ko lang naaalala na nasa ibang katawan na ako kay aakalain kong nasa isip nila kung anong ginagawa ng isang hampas-lupa sa isang mamahaling eskwelahan.
"Is that Summer Zamora?"
"Yes she is. She's back"
"Omg! I thought she's dead!"
Hinawakan ko ang magkabilang strap ng bag ko dahil sa hiya. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon, hindi naman ako pinagtitinginan ng ganito noon, normal lang ako na studyante, simpleng mag aaral na kapag dumaan sa hallway ay walang nakakapansin.
Pero si Summer Zamora ay ibang iba sa katulad kong simpleng studyante lang, isa siyang kilala at sikat sa school.
"Summerrrrr! Good you're back! So totoo nga ang bali-balita na gising kana!"
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
सामान्य साहित्यOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...