M I K I
"Summer dali! tignan mo! Anong irereply ko dito?" Tanong ni Jude habang kinakalabit ako.
"Jude kahit anong banat naman yata ay gagana sa mga babae mo" boring kong saad habang iniinom ang coke ko.
Nasa canteen kami ni Jude at kumakain ng lunch. Ilang linggo na ng magtransfer siya dito sa school, at talaga namang parang magnet kung makahatak ng babae ang isang 'to. Palibhasa napakagaling mambola.
"Psh nevermind!—look! there's a picture of Elise with Barbie and Harley on IG"
Tinignan ko ang post nila. Magkasama silang tatlo sa isang bar, sa pagkakataong yun ay para bang nakaramdam ako ng inggit, malay ko ba kung bakit, siguro pakiramdam ito ni Summer.
"Hindi na ba talaga kayo magkakaayos ni Elise? Ang tagal niyo ng magkaaway"
"Hindi naman ako ang may kasalanan"sagot ko.
At isa pa mas mabuti narin ito, ayokong maging involve sa mas marami pang tao para maiwasan ang pag leak ng sikreto ko. Mas kokonti ang tao sa paligid, mas safe ako.
"Psh, you have such a big pride"inirapan niya ako.
"Ang sabihin mo, hindi ka lang makalapit kay Harley"
Napanguso siya sa sinabi ko. Naguguluhan talaga ako sa lalaking ito, sabi niya gusto niya si Harley pero kung sino sino ang nilalandi niyang babae, napakababaero.
"Eh kung makipag ayos ka kay Elise? Palagi niyang kasama si Harley, at palagi akong sinusungitan ni Elise at inilalayo siya sakin pag lumalapit ako" nagpacute pa ito na akala mo'y tuta.
"Tigil tigilan mo nga ako sa mukhang yan Jude! Di effective ang paawang mukhang yan"
"Psh such an unsupported cousin!" Lalo pa siyang ngumuso.
Ewan ko ba kung bakit niyaya ko ang madaldal na ito para mag lunch, wala kasi si Yohan kaya siya wala akong magawa kundi tiisin ang kadaldalan at kakulitan ni Jude.
"Pero maiba tayo, I heard you're courting Anderson? Is that true? Seriously ugly couz?"tinaasan niya ako ng kilay.
Napabuntong hininga naman ako, naalala ko kasi si Yohan. Sa totoo lang ilang araw ko na siyang hindi nakakasama, busy yata siya ngayon at walang ipinapagawa sakin.
"Kung yan ang dumating sayong balita, bahala ka kung paniniwalaan mo"
"Well, I guess it's true, patay na patay ka ba naman sa lalaking yun. Naalala mo ba noong inaway mo ang kapatid niya na akala mo girlfriend niya? That's so awkward couz Haha!"pangaasar niya.
Napairap nalang ako, kahit ngayon ko lang nalaman iyon. Seryoso? Ganun kalala si Summer sa pagpapantasya niya kay Yohan?
"For sure na turn off siya sayo nun! So I am wondering kung bakit hinayaan ka niyang manligaw ngayon. Ginayuma mo yun no? Tama ba? Ano? Sumagot ka naman—"
Tumigil siya kakadaldal ng salpakan ko siya ng burger sa bunganga.
"Napakadaldal mo talaga!" Inis na sabi ko at tumayo na para umalis.
"Haha! Asar talo!"dinig ko pang pahabol niya.
Lumabas na ako sa canteen tutal ay tapos narin naman ako kumain. Ngunit napatigil ako ng makasalubong si Yohan, kasama niya si Lester.
"Hi Summer! Kumusta? Miss mo na si Yohan no? Haha!"panunukso ni Lester.
"Shut up" umirap si Yohan sa kaniyang kaibigan.
"Are you done with your lunch?"tanong ni Yohan.
"Katatapos lang, kasabay ko si Jude kumain"sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/205334019-288-k732844.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
General FictionOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...