M I K I S H I E
Hindi pa roon nagtatapos ang date namin ni Yohan dahil dinala niya pabako sa isang mamahaling restaurant. Sa totoo lang ay nakakapanibago, first time kong makapunta sa napakagarang restaurant.
"So since it's your birthday, pwede ka na siguro sa alcoholic drinks?"
Umiling naman ako.
"17 palang ako" saad ko.
"Oh, then siguro ice tea nalang ang sayo" wika niya. Umorder kasi siya ng wine.
Napakasarap ng pagkaing hinanda sa amin. Hindi ko man matandaan ang pangalan ng mga ito, ay natatandaan ko naman ang linamnam at sarap nito sa dila ko. Hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib hanghang ngayon dahil kay Yohan, sa tuwing naaalala ko kasi yung senaryo sa ferris wheel, hindi ko maiwasang kiligin.
"What are you thinking? Hindi mo ba gusto yung pagkain?" Tanong niya.
"H..hindi! Masarap, masarap silang lahat. May... naiisip lang ako"
"Ako na naman ang iniisip mo?" Bigla siyang ngumisi sa akin.
"Hindi ikaw, wag kang assuming"
Ngumuso siya at nagpa
cute sa akin. Natawa lang ako at umiling iling. Nagiging isip bata na si Yohan, nagpapa cute pa lagi."Miki, after the graduation, will you come with me in Manila?" Napatigil ako sa sinabi niya. "I'll take my college there, at gusto ko sana na magpatuloy ka rin sa school doon"
"P..pero sobra sobra na ang tulong mo sa akin.." Nahihiya kong saad.
"Miki, I am willing to help you kahit na walang kapalit" hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng sinsero sa mata.
"You're my girlfriend and I don't want to leave you here. Tsaka diba wala ka ng uuwian? Sa akin ka nalang sumama, sa Manila tayo mag sisimula ulit, para narin malayo ka sa daddy ni Summer"
Napakagat ako ng labi at napaisip. Napakarami na kasing nagawa ni Yohan para sa akin, sobra-sobra na, kung pati ang pag aaral ko ay i-aasa ko pa sa kaniya ay mas lalong nakakahiya.
"O sige, pero mag tatrabaho ako habang nag aaral, at sa public school lang ako. Hindi mo ako kailangan gastusan Yohan, kaya ko ang sarili ko"
"But I am your boyfriend, hindi na ako ibang tao sayo diba?"
"Alam ko. Pero sanay naman akong magtrabaho habang nag aaral kaya kakayanin ko yun"
Sumimangot naman siya, halatang dismayado.
"O sige, I'll let you do whatever you wanted to do, but let me help you find a job at doon ka sa bahay titira"
"M..mag a-apartment ako! Yohan nakakahiya sa magulang mo"
"Anong nakakahiya? Girlfriend naman kita"
"Yun nga eh, girlfriend mo palang ako tapos magsasama tayo? Hindi mo naman ako asawa—"
"Doon din tayo mapupunta"
Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang ngiti. Nahalata niya at ako pinisil ang baba ko.
==
Pagkatapos kumain ay hindi pa kami umuwi, may pupuntahan pa raw kaming dalawa. Nakakatuwa si Yohan, hindi niya alam na kilig na kilig na ako sa dami ng pakulo niya.Ilang minuto lang ang biyahe ng makarating kami sa isang di kataasang cliff na kung saan kitang kita ang malawak na kalangitan at ang kumikislap na ilaw ng buong syudad.
"Wow.. Ang ganda dito"
"Nagustuhan mo?"
Tumungo tungo ako sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/205334019-288-k732844.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Fiksi UmumOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...