EPILOGUE

932 60 16
                                    

"Haist ang tagal naman" this is my 100th time looking at my wrist watch, 30 minutes na ang nakalipas pero hindi parin ako nakakakuha ng taxi.

Coding kasi ngayon kaya hindi ko magamit ang kotse ko.

"Taxi!" I hailed.

At last, after a decade ay nakasakay na rin. Muntik ng pumuti ang mata ko kahihintay.

I watched the street through the window habang nasa biyahe, medyo traffic ngayon. Kakauwi ko lang galing sa hang out namin ng mga kaibigan ko sa karate club noon, it's already past 6:00 in the evening pero naisipan kong dumaan muna saglit sa cemetery bago bumalik sa mansion.

Nang makarating ay naabutan ko doon ang isang bunch ng fresh flowers, I think someone had been here earlier.

Nilapag ko ang flowers na dala ko sa puntod niya at sinindihan ang dala kong kandila.

Ngayon nalang ulit ako nakadalaw dahil sa sobrang busy ko, at isa pa, sa Manila na talaga ako nakatira at doon nag take ng college, dumalaw lang ako dito saglit.

May bachelor's degree na ako sa accountancy, at sa ngayon ay nagrereview ako para sa exam for licensing. Yup, busy life.

"Hey.." I greeted. "Hope you're good"

Umupo ako sa bermuda at inalis ang iilang dumi sa kaniyang lapida.

Five years na ang nakalipas...
Five years na mula noong namatay siya dahil sa akin, pero parang kahapon lang, parang hindi parin kapani-paniwala, parang sariwa parin ang lahat.

What happened five years ago was really unforgettable. I was so desparate and pathetic back then just to save someone I am deeply inlove with.

Maraming nadamay dahil sa pangyayaring iyon. And few people died... including her, pero sabi nga nila, every things happened for a reason.

Habang buhay na pagkakakulong ang parusang ipinataw kay Mr.Zamora, but after a few days inside the jail, nagpakamatay daw siya sa loob. Maybe his conscience was eating him. Si Jude naman ay bumalik sa America para alagaan ang mommy niya. Minsan nalang kami mag usap pag hindi busy.

It's been five years... and I think I already moved on, but those memories will still remained to be sentimental.

I could have died that day... If it wasn't for her.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan"

Napatingala ako at bumungad ang isang hindi ko inaasahang babae sa harap ko.

"You're here?" Gulat kong saad.

Hindi siya sumagot, imbes ay umupo siya sa tabi ko.

"Akala ko ba gagabihin ka ng uwi?" Tanong niya.

"Well.. Nag yaya silang mag inom pero hindi na ako tumuloy, baka pagalitan mo na naman ako" nakanguso kong wika.

She chuckled and pinched my both cheeks.

"Very good naman pala ang boyfriend ko" pinanggigilan niya ang mukha ko, she's too close so I can't help to smack her lips.

"Yohan!" Suway niya at bumitaw sa akin.

"What?" Natatawa ako dahil namumula siya.

"Nasa harap tayo ng puntod ni Summer, baka multuhin niya tayo"

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon