15

623 29 1
                                    

M I K I

Kahit pa sa tingin ko ay maayos at nakakapag adjust na ako sa panibagong kong buhay, may isa parin talagang bagay ang hindi ko maayos sa ngayon, ay ang relasyon ko sa ama ni Summer.

Hindi na kami nag aaway, di katulad noong nakaraan na madalas kaming nagtatalo ngunit tulad noong simula ay malamig parin ang pakikitungo nito sa akin. Halos hindi nga ako kausapin nito sa bahay, tanging sina Jude at mommy Kristine lang ang nakakausap ko.

"Naisalang na ba yung cordon sa oven?"

"Tapos na po mommy"sagot ko.

"Good, good. Now I'll prepare a dressing for that one. Manang pakiprepare na ng drinks natin"

"Opo madam"

Sa ngayon ay nasa kusina kami at naghahanda para sa dinner. Tumulong ako sa kanila dahil wala wala akong magawa sa kwarto.

"Couz! I have a joke!" Nilapitan ako ni Jude na nakikigulo na naman.

"Jude alam kong corny yan, lumayas kana"

"C'mon couz! Hear me! Nakakatawa to!"

"Psh, ano ba kasi yun?"

"Okay, anong sa tawag sa bird na hindi kayang lumipad?"

"Joke ba yan? Ostrich malamang" boring na sagot ko.

"Mali! HAHAHA!"

"Eh ano?"

"My BIRDIE! HAHAHA—Aray! Bat namamalo ng sandok?!"

"Ang bastos mo! Nandito sina mommy at manang oh!"

Napatingin naman siya at nakaramdam ng hiya dahil nakatingin rin ang mga ito sa kaniya.

"Psh, couz turuan mo akong mag joke" bulong ni Jude habang nakanguso.

"At bakit naman?"

"Sabi kasi ni Harley, gusto niya yung taong napapatawa siya lagi"

"Edi magclown ka"

"Summer naman eh!"

"Wag mo akong asahan diyan Jude, wala akong alam na joke"

"Psh, ang boring mo! Dyan kana nga" umalis naman si Jude na walang  napala sa akin.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Looks like you're getting used of Jude" biglang tumabi sa akin si Mommy Kristine at mahinang nagsalita.

"Madaldal lang naman ho siya pero okay siyang kasama"

"I'm happy na nagkakasundo kayo"ngumiti siya at pinisil ng mahina ang pisngi ko.

"We're almost done in here, why don't you go to your dad's office? Sabihin mo na kakain na tayo"

"Ho? Ako po?"

"Yup. Go ahead honey. Ikaw na ang pumunta sa kaniya" nakangiti niyang saad.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon