M I K I S H I E
Pareho kaming napatingin kay Summer na nag aapoy ngayon sa galit habang nakatingin sa akin.
"How dare you!" Lumapit siya agad pero mabilis na humarang si Yohan sa kaniya.
"Don't you dare" malamig na wika ni Yohan.
"Umalis ka diyan at makikita ng babaeng 'to kung sinong kinakalaban niya!" Sigaw ni Summer at sinubukang abutin ako.
"Ano ba! Stop it!" Si Yohan ang umawat sa kaniya, pero dahil sa pagiging agresibo ni Summer ay nakalmot niya sa braso ni Yohan. Dumugo iyon agad at nakita kong napangiwi siya sa sakit.
"Oh my G Yohan! I..I'm sorry!"
Nag init ang dugo ko at tinulak siya ng malakas.
"Ano bang problema mo?!" Inis kong bulyaw. "Pati si Yohan sasaktan mo?!"
Sumama ang tingin niya sa akin.
"Ikaw ang may kasalanan! Mangaagaw ka!" Muli siya sumugod ngunit dumating si Jude at inawat siya.
"Ano ba Jude! Bitawan mo ako! Makakatikim ang babaeng yan sa akin!"
"Summer stop it! Ano bang problema mo?!" Sigaw ng pinsan niya.
"She's making out with Yohan in the middle of this night! Malandi siya! Mang aagaw!"
Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis, malala na talaga ang pagka-ilusyonada niya.
"Mang aagaw? Hindi ko kailangan makipag agawan sayo dahil boyfriend ko si Yohan! Itigil mo na ang pagpapantasya mo sa kaniya pwede ba?!"
"In your dreams b-itch! Akin lang si Yohan! Akin lang siya! Akin!"
"Tama na!" Hinila ako ni Yohan sa kaniyang tabi. "Enough with your illusions Summer! You know I never like you even before!"
"I know na nilandi ka niya habang nasa katawan ko siya! Kalat na kalat sa buong school na nag d-date tayo! Ako ang kasama mo noon Yohan! Ako 'yon! Katawan ko 'yon!"
"It is just your physical body I am with, pero si Miki ang nakasama ko! Siya ang nakausap ko! Siya ang nagustuhan ko! Hindi ikaw!"
Tumulo ang luha ni Summer dahil sa mga salitang sinambit ni Yohan sa kaniya. Na-guilty ako, alam kong mahal niya si Yohan noon pa man, at masakit makita na nasasaktan ang isang babae para sa lalaki.
Pero anong magagawa niya? Salungat ang nararamdaman nila sa isa't isa at mahirao baguhin yun.
"Miki is already my girlfriend. Itigil mo na ang kahibangan mo sa akin"
"No.." Nag tiim ang panga ni Summer at masamang tumingin sa akin. "NO! YOHAN'S MINE! MINE ALONE!"
Naging agresibo siyang muli at mahigpit akong hinawakan sa braso. Mabuti nalang remesponde si Yohan at mabilis na tinamaan ang leeg ni Summer gamit ang kamay niya. Nawalan naman siya ng malay at sinalo ng pinsan niyang si Jude.
"What did you do to her?!"
"Don't worry, I just made her sleep again"sagot ni Yohan. "Dalhin mo na siya sa kwarto niya at matulog na tayo ulit"
Tumungo naman si Jude at hinatid sa kwarto si Sumer. Tinignan ko naman ang sugat ni Yohan na braso, dumudugo ito kaya kumuha ako ng bulak at alcohol. Pinaupo ko siya at tsaka ginamot ang sugat niya.
"Ang hapdi" wika niya at napakagat sa kaniyang labi para tiisin ang sakit."Sorry, ikaw pa yung nasaktan siya"
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
General FictionOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...