Warning: Some scenes are mature and might be disturbing!
T H I R D P E R S O N' S P O V
"I saw her! I really am!"
"Stop it Summer. Wag mong pasakitin ang ulo ko"
"Dad! I am not hallucinating! Nakita ko talaga ang babaeng iyon! We're looking to each other for a several second pa nga eh! What if her ghost is hunting me right now?!" Kinakabahan at puno ng takot ang mukha ni Summer.
"Stop with the nonsense Summer!"iritableng sagot ng kaniyang ama.
Ito ang naabutan ni Jude ng makauwi sa mansion ng mga Zamora, narinig niya ng malinaw ang usapan ng dalawa. Ngunit mukhang hirap maniwala ang kaniyang uncle sa sinasabi ng anak.
"This is not nonsense Dad! Mikishie is hunting me! Minumulto niya ako! She's back for me!"
"I said enough!" Naririnding sigaw ng kaniyang ama. "Go to room now! At hindi ka lalabas hangga't naniniwala ka parin sa multo-multo na yan!" Strikto nitong wika.
"Kung ayaw niyong maniwala edi wag! I know what saw earlier! Mikishie is back!" Inis na sabi ng dalaga at patakbong inakyat ang hagdan patungo sa kwarto.
Normal na naglakad si Jude papasok ng mansion at dinaanan ang kaniyang tito, alam niyang sinusundan siya ng tingin nito pero hindi niya pinapansin, hanggang ngayon ay may hidwaan parin sa pagitan nila.
"Jude" napatigil siya ng tawagin nito ang kaniyang pangalan.
"Where have you been?"
"Nagbar" tipid na sagot nito at tuluyan ng umakyat.
Totoo iyon, bago umuwi ay nanggaling siya sa bar upang magliwaliw.
=
Pumasok si Mr.Zamora sa kaniyang kwarto habang minamasahe ang kaniyang sentido, wala mang katuturan para sa kaniya ang sinabi ni Summer ay binagabag parin siya nito. Para bang may parte sa kaniya na gustong maniwala sa mga sinasabi ng kaniyang anak.
"Kristine.."
Lumabas ang kaniyang asawa mula sa banyo suot ang night gown nito. Tinignan lamang siya ng asawa at nagpatulog sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok.
Bumuntong hininga lamang siya, alam niyang may tampo ang asawa dahil nasaktan niya ito noong nakaraan. Ngunit pinagsisihan naman niya iyon, hindi lang naman siya nakapagtimpi dahil sa inis at galit.
Humiga ang asawa sa kadulo-duluhan ng kama, pinananatili ang sapat a distansiya sa kanilang pagitan.
"Kristine..." lumapit siya at hinalik-halikan ang balikat nito.
"Kevin ano ba" tinabing siya ni Kristine at nagkumot hanggang leeg.
"For how long will you gonna do this to me? Patay na si Mikishie ano pa bang problema mo?"
"Yun ang problema ko Kevin" bumangon siya at hinarap ang asawa.
"Isn't it enough na pinatay mo parents niya noon?! Why you have to do the same thing to her?!""Dahil siya ang bunga ng pagta-traydor sa akin ni Alicia" pilit na pinakalma ni Kevin ang kaniyang sarili.
"Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Bakit affected ka parin sa kaniya?! Nandito na ako Kevin! Bakit hindi mo ako iniisip?!"
"Alicia is my first love. At ikaw Kristine, natutunan lang kitang mahalin"
Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng asawa pero nagsasabi lamang siya ng totoo. Sa lahat ng babae ay si Alicia ang lubos niyang minahal.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
General FictionOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...