3rd Person's Point of view
"WHERE IS SHE?!" Umalingawngaw ang tunog ng paghagis ng mga bagay sa buong mansyon. Binasag lang naman ni Mr.Zamora ang mamahaling vase na binili pa ng kaniyang asawa sa Europe.
"I told you to guard the house! Ano bang ginagawa niyo?! Mga walang silbi!" Sinigawan niya ang ilang tauhan na nagbabantay sa mansyon.
"Kevin huminahon ka!"sinubukan siyang awatin ng kaniyang asawang si Kristine.
"At paano ako hihinahon ha?! Nakatakas ang babaeng iyon!"
"It's because you hurted her! Paanong hindi aalis iyon?"
"She dare to test my patience! Alam kong naaawa ka sa Mikishie na iyon Kristine!"
"Mikishie is nice! Bakit kailangan mo itong gawin sa kaniya?!"
"Because she's a daughter of traitors! At hindi ko hahayaan na mabuhay pa siya!"
Narinig naman ni Jude ang pagtatalo ng mag asawa sa unang palapag ng mansyon. Bumaba siya para tignan ang nangyayari, nang mapansin siya ng kaniyang uncle ay agad na nanlisik ang mata nito sa kaniya.
"You!" Mabilis itong lumapit sa kaniya at sinuntok siya ng malakas sa mukha.
"Jude! Kevin ano ba?! He's your nephew!"
"I know he helped her! Where did she go?! Tell me!" Sigaw nito.
"I.. I don't know.." Nahirapang magsalita si Jude dahil sa sakit ng panga nito.
Bagama't nasaktan siya ng kaniyang tiyo ay gusto niya parin manindigan sa pangako nila ni Yohan.
"Bullsh*t!" Napamura nalang sa inis si Kevin at sinipa ang isa pang mamahaling vase sa kaniyang tabi.
Kinuwelyuhan niya ang kaniyang pamangkin dahil narin sa panggigigil nito.
"Sabihin mo sa aking ang totoo Jude, saan siya nagpunta?! At sinong kasama niya?!"
"H..hindi ko alam—ack!" Sinuntok na naman siya nito sa mukha.
"Kevin! Bitawan mo si Jude!" Lumapit naman si Kristine at pilit inalis ang kamay ni Kevin sa kaniyang pamangkin ngunit madali niya lang itong naitulak.
"Manahimik ka!"
Natumba si Kristine at agad naman siyang sinaklolohan ng mga katulong.
"Magsalita ka Jude!!"
"H..hindi ko alam kung nasaan sila" matigas na wika nito.
Isang malakas na suntok ang natamo niya at itinulak siya sa sahig.
"Sir, may nakuhanan pong lalaki sa cctv at itinakas siya" wika ng kaniyang tauhan.
Nanlaki ang mata ni Jude dahil doon, hindi niya naisip na may camera pala sa iba't ibang parte ng mansyon at maging sa sariling kwarto ni Summer. Mukhang malalagot sila nito.
Inis na naglakad si Kevin patungo sa cctv room ng kanilang mansyon at tinignan ang mga recordings sa kwarto ng kaniyang anak.
Nakita niya sa screen ang pagpasok ng isang binatang naka hoodie mula sa bintana, hindi niya nakilala ang lalaki dahil sa suot nito at dahil narin sa nakatalikod ito.
"Who is this damn assh*le.."inis niyang wika.
Muli siyang bumalik sa kaniyang pamangkin na si Jude na nakaupo parin sa sahig.
"Sino yung lalaking kasama niya! Wag na wag kang mag sisinungaling Jude dahil malilintikan ka talaga!"
"I don't know him" tanging sagot ni Jude.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Fiction généraleOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...