31

535 29 4
                                    

T H I R D  P E R S O N' S  P O V

"Doc, may nanghimasok sa morgue at mukhang natuklasan niya ang pekeng bangkay na nilagay mo doon" wika ng nurse sa kaniya mula sa kabilang linya.

"Wha?! Why is that happened?!"

"Hindi po namin alam. Basta nakita nalang namin na hindi masyadong sarado ang cabinet ng bangkay, may hiwa din siya sa braso at nakausli ang puting cotton sa loob nito"

"Bwisit!" Inis nitong bulong. "Kilala niyo ba kung sino yung invader?"

"Chineck namin ang cctv, si Mr.Zamora po at ang isa niyang tauhan"

"Bwisit na Zamora yan. Kailangan ko nang itakas si Mikishie, hindi ko siya mapapakinabangan kung papatayin lang siya ng baliw na lalaking yun"

===

M I K I S H I E

Medyo late ako ng gising dahil ka-video call ko si Yohan kagabi. Kung ano-ano ang pinag usapan namin, may kwenta man o wala. Ilang araw nalang ay malapit ng dumating ang family niya galing sa Manila, sabi niya ay ipapakilala niya ako agad sa kanila.

P

atayo palang ako ng magring ang cellphone ko. Bumungad agad ang pangalang Baby Yow💕 sa screen.

"Good morning Bigbrain" pambungad niyang saad.

Napangiti agad ako ng marinig ang boses niya.

"Good morning. Kanina ka pa gising?"

"Yup. I am preparing for school, later pupunta ako diyan hmm?" Himig na himig ko ang lambing sa boses niya. Kinikilig tuloy ako.

"Sige, ingat ka sa biyahe"

"Call me if anything comes up. I love you"

"I love you too"sagot ko at binaba ko na agad ang tawag.

Napakagat ako sa aking labi habang pinagmamasdan ang picture niya na wallpaper ko. Hay Yohan.. bakit ganito ang epekto mo sa akin?

Nagtoothbrush ako at naghilamos bago lumabas para kumain nang mapansin ko ang bukas na pinto sa opisina ni Doctor Flores. Sumilip ako at nakita siyang aligaga na nagliligpit ng kaniyang mga gamit habang may kausap sa phone.

"Yes, I need an airplane going to America now, I'll bring Mikishie bago pa kami mahanap"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. America?! Bakit dadalhin niya ako sa America?!

"Pinadala ko na kay Mirna ang anak ko sa Manila. Kaya wala ng problema, hindi siya madadamay"

"At bakit naman hindi ako magmamadali? Malaking pera ang nakataya dito sa oras na ma-approve and medical patent ko sa brain transplant! Pati ikaw makikinabang kaya kailangan ko na ng kahit maliit na private plane papuntang America ngayon din!"

Napaatras ako sa aking narinig. Napatingin sa akin ang Doctor at nagulat kaya mabilis akong tumakbo papuntang kwarto at ni-lock iyon.

Hindi pwede 'to, malalayo ako kay Yohan pag nagkataon! Kaya pala... yung cd.. at yung labrat na tinutukoy niya ay ako! Yun ang motibo niya, kailangan niya ako dahil lang sa pera! At hindi dahil may konsensiya siya. Nakaka disappoint, akala ko pa naman ay mabait talaga siya, pakitang-tao lang pala!

"Miki! Miki buksan mo 'to!" kinalampag ng doctor ang pinto mula sa labas.

Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan si Yohan, naka ilang ring ito bago niya sagutin.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon