29

581 33 2
                                    

M I K I S H I E

Isang araw na ang lumipas matapos ang birthday date namin ni Yohan. Umagang-umaga ay narito siya sa kwarto ko at inaasikaso ang portfolio niya ng mga requirements.

"Ang dami niyo palang kailangan ipasa. Bakit ngayon mo lang inaasikaso"

"I've already finished all of them okay? Inaayos ko nalang ng lagay"

"Si Summer kaya, ginagawa niya kaya yung mga requirements niya?"tanong ko sa kaniya.

"I don't know" sagot niya na halata mong walang pakielam.

"Medyo malakas na ako, siguro naman ganun din siya diba? Nakikita mo ba siyang pumapasok sa school?"

"Nope. Why are you still thinking about her?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Dahil kapatid ko siya, at nakasama ko ang katawan niya ng ilang buwan"

"So? I'm sure Summer's not thinking the same way as yours. Kilala ko siya, wala siyang pakielam sa ibang tao"

"Yohan, wag mong i-judge si Summer, kapatid ko parin siya"

"Alam niya ba na kapatid mo siya? Baka nga wala parin siya pakielam kung magkapatid kayo"

"May galit ka ba sa kaniya ha? Bakit ba ganyan ka makapagsalita?" Kunot noo kong wika.

"Well... I dislike her for hurting my big sister, akala niya kasi girlfriend ko ang ate ko noong time na nakita niya kaming magkasama. Noon kaya ko pang tiisin ang mga pananakit niya sa mga tao dahil sa akin, pero ang ate ko? No way"

Kitang kita kay Yohan ang pagmamahal niya sa kaniyang kapatid. Siguro ay close talaga sila ng mga kapatid niya. Nakakainggit.

"Alam kong hinahabol-habol ka niya noon. Mukhang gustong gusto ka talaga niya, napaka effort niyang babae. Hindi ka manlang ba nag crush sa kaniya kahit konti? Maganda naman siya ah?"

"Magugustuhan ko lang siya, kung ikaw siya, okay?" Pinisil niya ang chin ko at inayos muli ang mga papel sa porfolio niya.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi tsaka sumandal sa balikat niya. Kumurba ang labi niya habang nag aayos.

Nanatili kami sa ganoong posisyon, maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya at sinagot iyon.

"What is it Les?"

"Balak mo bang magpasa ha? Open na yung office, pumunta kana rito! Wag kang magpapa-late sa practice! Sermon na naman ang section natin!" dinig kong sabi ni Lester.

"Psh, oo na" umirap siya at binaba ang tawag. Tumingin siya sa akin ng may konting pagnguso dahil kailangan na niyang umalis.

"Sorry ang busy ng boyfriend mo ngayon. Don't worry it's for our future"

Sinundot ko ang tagiliran niya, napatikwas ang katawan niya at natawa.

"Kailangan mo ng ipasa yan, kaya kumilos kana" ako na mismo ang nag ayos ng mga gamit niya habang siya ay tinititigan ako habang nakangiti.

Tignan mo 'to, ang sabi ko ay kumilos siya pero tinititigan lamang ako.

"Yohan umayos ka. Nagmamadali ka" nilagay ko sa bag niya yung porfolio at itinabi sa kaniya ang bag niya.

"Ano pang ginagawa mo?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatingin lamang siya sa akin. "Yohan kailangan mo ng umalis—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Isang dampi lang ng kaniyang labi ay awtomatikong gumagana ang labi ko at binabalik ang halik niya. Napaka passionate ng ibinibigay niyang halik, sinimsim niya ang ibabang labi ko at nakaramdam ako ng pananabik.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon