36

688 31 5
                                    

Y O H A N

I wiped off the tears falling from her cheeks, alam kong natatakot siya at nag aalala para sa amin, but as what I had promise, everything will be fine soon.

Nakaalis na si Jude habang kami ay nagtatago parin sa pader. This is so unfair, may armas sila habang ako ay kamao lamang ang meron.

"Wag kang lalayo sa akin ha?" paalala ko sa kaniya, tumungo naman siya bilang tugon.

Nakaramdam ako ng mga kaluskos papalapit sa amin, sumenyas ako kay Miki na wag munang gumawa ng ingay.

"Nakita mo ba kung saan sila tumakbo?"

"Dito sila pumunta. Hindi sila makakalayo agad, siguradong nagtatago lang ang mga iyon"

I peeked for a short second, there were two minions of Mr. Zamora coming towards our direction and checking the area.

Inabangan ko silang dalawa, at ng makadaan ang isa sa gilid namin ay mabilis ko siyang hinablot at inumpog sa pader.

"Ack!"

"Fred!" The other one immediately pointed his gun at me, but I kicked his arm and quickly snatched the weapon

He tried to touch Miki but before he could lay his finger to her skin, I already pulled the trigger and shoot him. Tinamaan ko siya sa hita, he fell into the ground and screamed in pain.

"Yohan!" Napasigaw si Miki habang nakatakip ang kaniyang tainga, hinila ko siya papunta sa likod ko bago pa siya mahawakan ng lalaking yun.

"Ayun sila Derek! Dalian mo!"

Another guy came running for us, kasunod niya rin si Mr.Zamora na bigla na namang nagpaputok.

"Run!"

Tumakbo kami palayo kasabay ang pagpapaulan na naman niya ng bala.

"Die the both of you!" Sigaw nito.

Hindi namin alam kung saan kami patungo basta bahala na kung saan kami dalhin ng aming mga paa. Sinubukan ko rin silang paputukan ng baril, although I'm not good at gun shooting I almost hitted them a few times.

"Yohan!"

Bumagal ang pagtakbo ko ng madaplisan ng bala ang aking balikat. Miki immediately placed my arms around her shoulder to support me and continue running. Pero maaabutan na nila kami, so I have no choice but to face them.

"Anong ginagawa mo?!" Miki hissed when I hid ourselves behind the tree trunk.

I need to unarmed them, nang sa gayon ay maging patas ang laban.

"Magtago ka dito, tumakbo ka kapag sinabi ko"

"P..pero-"

"Just do what I say. Trust me okay?" Sinubukan kong ngumiti para gumaan ang loob niya.

"Wag na kayong magtago dahil kitang kita na kayo!"

Niyakap ko si Miki ng paputukan nila ang puno kung saan kami nagtatago.

"Yohan natatakot ako" she cast me a scared and worried look. "Ayokong may mangyari sayong masama dahil sa akin"

"Walang mangyayari sa'tin, tiwala lang"

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon