Happy 3k po!
This chapter is dedicated to:
Bella_Jhasper12M I K I S H I E
Halos dalawang linggo na akong nananatili dito sa bahay ni Doctor Flores para mabawi ko ang aking dating lakas. Araw-araw parin ang pagbisita sa akin ni Yohan at ang pagbibigay niya ng isang piraso ng pulang rosas sa akin.
Mula ng gabing naghalikan kami ay nawala na ang anumang harang sa pagitan namin. Kumbaga, kung close na kami noong nakaraan ay mas close na close pa kami ngayon, at ang ibig sabihin ko sa mas close na close ay yung tipong sweet sa isa't isa, hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon pero komportable kami pareho.
Kung itatanong kung anong namamagitan sa amin ngayon? Hindi ko alam, basta ang alam lang namin ay pareho kaming nagkakasundo at nagkakaintindihan. Hindi na siguro kailangan pang hulaan kung ano na ang namamagitan sa amin, basta alam namin na pareho kami ng nararamdaman.
"Kinukulit na naman ako nitong si Lester" dinig kong inis na bulong ni Yohan.
Nakatiklop ang palad namin sa isa't isa habang nagtetext siya gamit ang isa pang kamay. Hindi ko nalang maiwasang mapangiti sa kaniya habang pinagmamasdan ang nakunot niyang mukha. Kagagaling lang ni Yohan sa ampunan kanina, iyon na ang huling araw niya doon dahil completed na ang requirements niya. Aaminin kong miss ko na ang mga batang naroon, sabi ni Yohan ay hinahanap na raw nila ako at tinatanong kung bakit hindi na ako pumupunta pero wala naman siyang masabi na sagot sa mga bata.
"You okay?" Tanong ni Yohan ng mapansing nakatitig lang ako sa kaniya. Napailing akong at ngumiti.
"Naiisip ko lang ang mga bata sa ampunan, paano na pala ang immersion ni Summer doon?"tanong ko.
Nagkibit-balikat siya at hinaplos amg buho ko. "Malay ko, maybe they will just give the school money for her automatic promotion? Bakit ba iniisip mo pa iyon? Hindi mo na hawak ang buhay ni Summer ngayon"
"Noong nalaman kong magkapatid kami ay nagkaroon narin ako ng pag aalala sa kaniya. Naaawa ako dahil may kriminal siyang ama, pero mas nakakaawa si Mr.Zamora, wala na siyang pag-asang magbago"
"Wag mo muna silang isipin, what's more important for now is your safetiness. At magpalakas ka, hmm?"
Kumurba ang aking labi at sumandal sa kaniyang balikat. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko tapos nilaro-laro namin ang magkahawak naming kamay.
"Darating ang family ko sa weekend para sa graduation ko. It's been months since I saw them. I'm very excited"
Napangiti ako sa sinabi niya, at the same time ay nakaramdam ako ng inggit. Mabuti pa si Yohan.. kumpleto pa ang pamilya niya, nariyan pa ang mga magulang niya at marami siyang kapatid, samantalang ako wala ni isa man.
"Hey.." Napansin ni Yohan ang malungkot kong mukha, binalot ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at nababahalang tumingin sa akin.
"I know you miss your family so much. Don't worry, kapag maayos na ang lahat, ipapakilala kita sa buong pamilya ko" masigla niyang saad para i-cheer up ako.
"We will be your new family. I'm sure you'll be happy when you meet them"
"Pero nakakahiya sa parents mo"
"Don't be, mabait ang mommy at daddy ko. I'm sure magugustuhan ka nila"
Napangiti ako sa kaniya. Nae-excite akong makita sila, mabait si Yohan kaya malamang ay mabait din ang parents niya. Isa pa sa curiosity ko ay kung anong itsura nila, sa itsura kasi ni Yohan, mukhang hindi maitatanggi na maganda at gwapo ang magulang niya.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
General FictionOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...