25

606 40 6
                                    

Y O H A N

"Huy Yohan, kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo. Kating-kati kang umuwi?" Puna ni Lester sa akin.

Oo kanina ko pa gustong umuwi, naisipan ko ngang mag cut nalang sana kaninang lunch break kaya lang ay may activity kami sa isang subject sa afternoon class.

"Ang tagal pa kasi magsalita ng teacher na 'to, three minutes ago na yung dismissal bell oh"inis kong turan.

"Psh, parang di ka na nasanay sa overtime teacher natin"

Napasinghap nalang ako at sumandal sa upuan ko. Nakakabagot, gustong-gusto ko ng makita ulit si Miki, gusto ko na ulit siyang makausap.

"Okay class dismiss, wag niyong kalimutan ang last requirement niyo sa akin ha?"

"Yes ma'am"

At last ay dinismiss na kami ng guro, madalas talaga siyang mag overtime, minsan inaabot pa ng 30 minutes.

I fixed my things and put my bag on my back. I was about to leave when Lester talked.

"Anyway, nabalitaan kong nasa ospital si Summer ah? She's not attending class these past few days. Anong nangyari?"

"I don't know?" I shrugged. "Bakit sa akin mo tinatanong?"

"Malamang kayo lagi ang magkasama! Halos sanggang-dikit na kayong dalawa noong nakaraan. Alam nga ng lahat na nag d-date kayo diba? Nakalimutan mo na ba?"

Bumuntong hininga ako at napailing.

"We're not dating okay? And it's not gonna happen"

"Dude alam kong nasa denial stage ka pa pero wag kang magsalita ng tapos—"

"I am not in denial stage, and dating Summer is really never gonna happen okay? I told you I already have someone I like"

"Si Miki? Si Miki na hindi ko pa nakikila o nakikita! Dude baka naman gawa-gawa mo lang yan si Miki para itago sakin ang relasyon niyo ni Summer?"

"Bahala ka kung yan ang iniisip mo. Basta ako? May sarili akong pag iisip" I tap his back and left him with a puzzle face.

Dumeretso ako sa parking lot para kunin ang kotse ko but I stop as I saw Jude leaning on my car waiting for me.

"Jude?"

Umayos siya ng tayo at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"I'm sorry" napayuko siya. "Summer's alive but the girl... I saw her dead" his guilty face can't look at me.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. I know na wala naman siyang kasalanan pero nagi-guilty ako dahil parang sinisisi niya ang sarili niya.

"Hindi ko naman ginusto na isumbong kayo. Yohan, he blackmailed me"

I took a very deep sigh and tap his back.

"We can't turn back the time" I said as emotionless as I can. "Wala na tayong magagawa, nangyari na"

Kahit pa alam kong kakampi ko si Jude, hindi ko parin pwedeng sabihin sa kaniya na buhay si Miki. As possible as it is, dapat kami-kami lang amg may alam noon para narin sa kaligtasan niya.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon