Totoo ba ito? Tumitibok ng malakas ang puso ko-este ni Summer. Mukhang ay kakaibang epekto ang lalaking ito sa kanya. Pero normal lang ba yun? Normal lang ba na maramdaman ko din ito?
"Pasensya kana" mabilis akong umayos ng tayo at bumitaw sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ngunit may bahid ng pagtataka sa kanyang mukha, tinitigan niya ako maigi na para bang ito ang unang beses ng pagkikita namin. Sabagay ito naman talaga ang unang beses.
"Summer? It's really you!" Lumapit naman sa akin ang lalaking nag eensayo kanina.
"And as usual you're here to see someone again" ngumisi siya sa lalaking katabi na tila may panunukso pa.
"Shut up Lester"
"Oh come on Yohan! Your avid admirer is here! Hindi mo manlang ba siya iwe-welcome back? It's been 9 months!"
Napakunot ang noo ko. Ano daw? Avid admirer? Ako?
"The hell I care? Let's go back to practice"bagot niyang saad at nilagpasan lang kami ng kaibigan niya.
"Nako, masungit talaga yang si Yohan. As usual naman diba? Anyway kumusta kana pala Summer?" Nakangiti niyang tanong.
"Ayos lang naman ako" kaswal na sagot ko.
Napansin ko ang biglaang pagkurap-kurap ng kanyang mata at bahagyang pagtataka kanyang mukha.
"Oh.. that's good! Mukhang malaki ang pinagbago mo"ngumiti siya sakin.
"Siguro epekto narin ng pananatili ko sa ospital ng ilang buwan"sagot ko.
"Kaya puro tagalog kana magsalita ngayon? Haha!"
Napatigil naman ako at medyo kinabahan, kung ganon english speaking pala si Summer. Paano na yan, tagalog ng tagalog na ako mula kanina pang umaga.
"Anyway you're acting cute today! Welcome back ulit! Miss ko na ang cupcakes na binibigay mo kay Yohan dati" tinapik niya ang balikat ko bago umalis.
Kung ganoon ay isang taga-hanga si Summer ng lalaking iyon. At mukhang gumagawa talaga siya ng effort para magpapansin sa Yohan na yun. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi interesado ang Yohan na yun sa kanya, hindi na siguro nakakapagtaka kung bakit.
Bumalik ako sa klase at muli na naman kaming nag take ng quiz sa isang subject. At sa uulitin ay marami na namang nagulat dahil sa perfect score kong nakuha, napapangiti nalang ako sa mga kaklase ko dahil sa mga papuri nila na hindi ko alam kung sarkasmo ba o hindi.
"So Sum! Since it's your first day, why don't we celebrate your comeback! May party tayo sa bar!" Saad ni Elise.
"B..bar?" Kailanman ay hindi pa ako nakakapunta sa bar. At base sa kaalaman ko ay maingay, mausok at mga bastos ang tao roon. Hindi ko maatim na mapunta sa ganoong klaseng lugar.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Ficción GeneralOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...