01

2K 68 12
                                    

M I K I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

M I K I

MAKULIMLIM ng araw na yun. Unti-unti nang ibinaba ang ataul ni lolo pababa sa lupa. Ilan sa mga kamag-anak ko ang umiyak, ngunit ako ay nanatiling matatag at pinilit na wag bumuhos ang luha mula sa aking mga mata.

Sa gilid ng bundok lamang inilibing si lolo pagkat wala kaming sapat na pera para mailibing siya sa sementeryo. Narito ang ilan sa mga kapit-bahay at ilang kakilala namin, sila ang tumulong sakin upang mailibing ang bangkay niya.
Unti-unti, ay nabawasan ang mga tao dahil malapit narin ang takip-silim.

"Mikishie, mauuna na kami" saad ng tito ko. Isang tungo lang ang naging tugon ko.

Hanggang sa ako nalang ang naiwan. Doon na tuluyang pumatak ang mga luha ko. Masakit, sobrang sakit na yung taong kakampi mo, at nagmamahal sayo ay wala sa na mundong ito.

Si lolo ang nag aruga sa akin ng mamatay ang mga magulang ko. Minahal nya ako ng buong puso at ibinigay lahat ng pangangailangan ko. Hindi man marangya ang pamumuhay namin ay masasabi kong masaya kaming dalawa. Pero ngayon... ako nalang mag isa. Hindi ko na aasahan ang mga kamag-anak ko na kupkupin nila ako, noon pa man ay wala na silang pakielam sa amin.

Inilabas ko ang huli kong iyak bago lisanin ang puntod ni lolo. Blangko ang utak ko habang naglalakad. Masyadong masakit ang sinapit ni lolo, alam kong matanda na siya ngunit hindi pa ako handang maiwan niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na busina. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay hindi ko na namalayan ang papalapit na malaking truck. Pinipilit kong makaalis sa gitna ng kalsada ngunit tila ayaw humakbang ng mga paa ko.

"Hey!! Watch out!" Sigaw ng isang lalaki sa kabilang kalsada.

Lalapitan nya sana ako ngunit huli na ang lahat.

SCREECH!

Bumagsak ako hanggang sa unti-unting nanlabo ang mga mata ko.

Ito na siguro ang kapalaran ko, ang sundan ang lolo ko, pati na ang mga magulang ko sa langit.

===

*beep*beep*beep*beep*

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata, nasilaw ako sa napakalakas na liwanag na nanggagaling sa itaas ko. Ang liwanag naman, nasaan ba ako?

"She's awake!"

Hindi ko maaninag ang mga tao sa paligid ko. Pinagmasdan ko ang aking kasuotan, naka hospital gown ako. Nasa ospital ako? Teka.. naalala ko, may truck na bumunggo sa akin tapos... nawalan ako ng malay.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon