07

845 41 3
                                    


Panibagong araw ko ngayon para sa immersion. Simpleng t-shirt at pants lang ang suot ko. Pagbaba ko sa kusina ay naroon na naman si Jude at umiinom ng kape habang nag c-cellphone.

"Good morning ugly couz! Oh? Saan punta mo?"tanong niya.

"May immersion ako ngayon"sagot ko.

"Ah"tanging sagot niya at bumalik sa pagpipindot ng cellphone niya.

"Heto at kumain ka muna Summer"ani Manang Nora.

Ngumiti siya sakin at ginantihan ko rin ako siya ng ngiti. Sinimulan kong kainin ang agahan habang inoobserbahan si Jude na pangiti-ngiti sa kanyang phone.

Ano naman kayang pinagkakaabalahan nito?

"Jude" tawag ko.

"Hahaha baliw" anito at nagtakip pa ng bibig.

"Hoy Jude"

Umiling iling ito habang nakangiti parin.

"Jude!" Hinampas ko ng mahina ang mesa na ikinagulat niya.

"What?!"

"Ano bang tinatawa tawa mo dyan?"tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa na naman siya na parang baliw.

"Ah si Barbie kasi eh! Haha laughtrip!"

"Barbie? Akala ko ba si Harley ang gusto mo?"

"Oo nga, eh kasi 'tong si Barbie eh parang tanga kausap haha"

"Psh. Pa-fall kadin eh"

"Anong pa-fall? Di ko kasalanan kung gwapo ako no"umirap siya.

"Ewan. Dalian mo kumain. Magpapahatid ako sayo"sabi ko.

Wala na naman kasi ang driver kaya no choice at kailangan kong magpahatid sa kanya.

"Psh, kitang may ginagawa. Saan ba?"

"Sa ampunan. Dalian mo na"

"Fine"

===

"Dito ka nag i-immersion? May sahod ba dito?"kunot noong tanong ni Jude.

"Wala. Sige na, salamat sa paghatid"ani ko at pumasok na.

Sakto naman ang pagsalubong sakin ni Yohan na may dalang plastic ng basura. Hindi ko alam kung ngitngiti ba ako o lalagpasan nalang siya, kase naman bakit nagiging abno ang pakiramdam ko.

"Uh.. ang aga mo"sabi ko.

"I woke up early" aniya. Hindi naman siya mukhang masungit tulad noong una. Pero hindi rin siya ngumingiti. Nilagpasan niya ako at tinapon ang basura sa labas.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong niya dahil nasa tapat parin ako ng pinto.

"Uhm.. papasok—"

"You're waiting for me?" Bakas ang pangaasar sa boses niya ng sabihin niya yun.

"Hindi ah!"

"Sus.." kumurba ang gilid ng labi niya at umiling-iling bago ako lagpasan.

"Hoy baka nakakalimutan mong si Summer ang may gusto sayo at hindi ako"tinaasan ko siya ng kilay.

Nilingon niya ako at nagulat ako dahil may kurba sa labi niya. Ngumingiti siya? Nginingitian niya ako? Napaka unusual, hindi siya ganito noong unang pagkikita namin.

"Then si Summer din ba ang naglike ng post ko sa IG account?" Ngumisi siya.

Napalunok ako ng banggitin niya ang tungkol dun. Takte, nakikipag asaran ba ang isang 'to?

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon