Happy 2k reads!
M I K I S H I E
Blanko ang utak ko ngayong araw. Napakarami kong nalaman at hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod. Para bang hinigop ang lahat ng enerhiya ko dahil doon.
Umuwi kami ni Jude nang hapong iyon. Gusto kong komprontahin si Mr.Zamora pero hindi ko alam kung yun ba ang tamang hakbang na dapat kong gawin.
Nasa kwarto ako at iniinda parin ang bigat sa dibdib ko, sa totoo lang at labis-labis ang pagkamuhi ko sa ama ni Summer, siya ang pumatay sa aking mga magulang at hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi niya iyon napagbabayaran. Dagdag pa na kapatid ko pala si Summer sa ina, hindi ko akalain na mayroon kaming koneksyon sa isa't isa.
Naantala ang aking pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa pag aakalang si Yohan ang tumatawag ngunit hindi pala.
"Elise?" Sinagot ko ito.
"As you wish Summer. Masisira na ang pamilya mo, nagsumbong na ako sa mga pulis at siguradong iimbestigahan nila ang daddy mo" batid kong nakangisi siya sa kabilang linya.
"Ganun ba? Mabuti naman. Salamat Elise" mahinahon kong saad at binaba agad iyon.
Mukhang pabor pa ang ginawa ni Elise sa akin. Sana talaga ay makulong ang kriminal na iyon.
"Where is she?! Where is she?!"
Naalerto ako ng marinig ang malakas na boses ni Mr.Zamora na umaalingawngaw sa buong mansion. Lumabas ako at sinilip ang nangyayari sa ibaba.
"What's happening?" Lumabas rin si Jude mula sa kwarto niya.
Hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya pero hinala ko na tungkol iyon sa akin.
"Kevin sandali nga! Bakit ba galit na galit ka?"
"Nasaan ang batang iyan?! I make sure na mapaparusahan ang babaeng iyan!"galit na galit na saad niya.
"Sino ba ang hinahanap mo? Honey huminahon ka nga" pilit siyang kinakalma ni Mommy pero hindi parin mapawi ang galit nito.
Tumingin siya sa itaas at saktong tumama ang aming mga mata sa isa't isa.
"You.." Mabilis siyang umakyat sa hagdan habang nanlilisik ang mga mata nito sa akin.
"Kevin! Kevin!" Sumunod si Mommy at sinubukan siyang pigilan ngunit tinabing lang siya nito.
"Kailangan namin mag usap ng babaeng iyan!"
Mabilis na pumunta sa harap ko si Mr.Zamora at mahigpit na hinawakan nag braso ko.
"How dare you!!"
"A..aray!"
"Tito let her go!" Umawat si Jude ngunit tinulak siya ni Mr.Zamora.
Sinubukan ko namang pumiglas pero sadyang malakas siya.
"Wag kang makielam dito Jude. Go to your room!!" Nanlilisik ang mga mata nito.
"At ikaw! Mag uusap tayo!"
Hinila niya ako at tinulak papasok ng aking kwarto at ni-lock ang pinto.
"Talagang naghahanap ka ng dahilan para magalit ako sayo ano?!"
"Anong bang sinasabi mo?"
"The police contact me! At tinanong nila ako kung may kinalaman ako sa pagkamatay ng mga magulang mo!"
Sandali akong napatigil, siguradong si Elise ang may gawa nun. Pero bakit nandito siya hindi ba dapat ay nasa pwader na siya ng mga pulis?
"Do you really think na ganoon lang ako kadaling ipakulong ha? I'm Kevin Zamora and I am powerful! Hindi mo ako basta basta mapapakulong!"
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Ficción GeneralOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...