"We need more stool from the lab, bring 3 more"
"Please make a 100 xerox copies of this form"
"Bring this books at the library ASAP"
Isang impyerno talaga ang araw ko ngayon. Break time na pero wala sawa ang Yohan na 'to kakautos sa akin! Wala naman ako magawa kundi ang sumunod lalo na kapag tinatawag niya akong Miki! Argh! Binablack mail niya ako gamit ang pangalan ko!
Hingal na hingal ako sa paghahatid ng pitong makakapal at mabibigat na libro sa library, ginamit nila ito kanina sa subject nila kaya ako ang pinabalik niya.
"Summer! Oh tubig!" Inabutan ako ni Lester ng malamig na bottled water ng makarating sa room nila.
"Salamat Lester! Kailangan ko talaga ng tubig!" Tinungga ko yun ng sunod-sunod dahil sa matinding uhaw. Feeling ko mahihimatay na ako sa pagod.
"Hays.. bakit naman kasi nagpapaalila ka kay Yohan? Part ba yan ng panliligaw mo?"
"Ano!?"napataas ako ng kilay.
Bigla siyang natawa at umiling iling.
"Di mo ba halata? Kanina pa kayo napapansin ng mga studyante, palagi kang inuutusan at pinapahirapan ni Yohan. Tinanong ko nga siya kanina kung anong meron sa inyong dalawa, at ang sabi niya nililigawan mo daw siya"
"ANO?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Bakit hindi ba?"
Narinig ko ang boses ni Yohan. Nakasandal pala siya sa gilid ng pintuan habang nakapamulsa at nakikinig sa amin. Nanlalaki parin ngumisi siya at inakbayan si Lester.
Hindi talaga ako makapagreklamo kapag ngumingisi siya, parang yun na kasi ang warning signs niya sa akin.
"What are you still doing here? Tapos na ang oras ng panliligaw, you can go back to your room now" kinindatan niya ako at sa hindi malamang dahilan ay tumibok ng mabilis ang puso.
Nangaasar ba 'to?
Sinamaan ko siya ng tingin. Humalukipkip naman siya at nilapitan ako.
"Just ride on okay?"bulong niya sakin.
"At bakit naman ha? Hindi naman ako nanliligaw? Ang kapal ng mukha m—" Tinakpan niya bigla ang bibig ko.
"This is the best thing we could tell them para hindi sila magtaka"
"Eh bakit ako yung nanliligaw? Lalaki ba ako ha?"
"Summer likes me so much and everyone knows that. Tsaka it's just an alibi okay? Don't take it seriously"
"Alibi. Ba't ikaw yung nililigawan?Mukha kang barbie sa alibi mo. " inis na sabi ko.
"Anong barbie ka dyan?" Kumunot ang noo niya.
"Wala! Aalis na ako barbie"
"Anong tawag mo sakin?" Naiinis narin ang mukha niya at sinamaan pa ako ng tingin.
Kinabahan naman ako dahil talagang mukhang napikon siya. Grabe ang bilis naman nito mapikon.
"Wala po master hehe" nagpeace nalang ako at tinalikuran ko na agad siya.
Grabe nakakaasar siya! Hindi ko naman akalain na may salademonyong ugali ang mukhang anghel na 'yon! Biruin mo grabe ang pahirap niya sakin ngayon araw!?
Pagod na pagod akong umupo sa aking assigned seat ng makarating sa room. Tumungo ako para mas lalong makapagpahinga. Hinihiling ko na sana wala ng kasunod ang pagpapahirap ng Yohan na yun, konting konti nalang... mabibigwasan ko na sya!
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Ficción GeneralOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...