M I K I S H I E
Naantala ang pagyayakapan namin ng tumunog ang cellphone ni Yohan. Sumeryoso ang mukha niya ng makita ang pangalan ni Jude. Sinagot niya ang tawag ng hindi humihiwalay sa pagyakap sa akin kaya naririnig ko ang usapan nila.
"Hello?"
"Where is Mikishie? Is she safe?" Tanong agad nito.
"She's with me. Why?" Nagtatakang tanong ni Yohan.
"Salamat naman" malalim na bumuntong hininga si Jude na dinig na dinig namin ni Yohan.
"Bakit? May alam ka ba sa pagtakas sa kaniya ni Doctor Flores?"
"What? I don't know what you're talking about. Tinawagan kita para balaan, alam na ni Tito na buhay si Miki kaya nag aalala ako. Siguradong pinag hahanap na siya ngayon"
"What?! Baka naman sinabi mo sa kaniya?!" Napabitaw sa akin si Yohan sa inis.
"You know that I won't do that thing! It is Summer who told him that she saw Miki, pero hindi naniwala si Tito noong una. Hanggang sa nakita ko siya kaninang madaling araw na lumabas ng bahay, sinundan ko siya, nag imbestiga siya sa ospital, at doon niya nalaman na peke ang bangkay ni Mikishie"
"And that's why the doctor is trying take Miki away earlier... dahil alam niyang natuklasan na ni Zamora ang panlilinlang sa kaniya at siya ang mananagot doon..." yun ang konklusyon ni Yohan na mga nangyayari.
"Pero bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Sorry nawalan ako ng malay kanina, binugbog niya ako dahil nahuli niya akong sinusundan siya"
"F-uck." Napamura nalang si Yohan sa inis. "Kung mahanap niya si Doctor Flores, wala siyang mapapala dahil kasama ko si Miki ngayon, pero siguradong ako ang susunod niyang hahanapin"
Yun ang kinatatakot ko, kailangan na naman magsakripisyon ni Yohan para sa akin. Kailangan na naman niyang ilagay sa alanganin ang buhay niya para protektahan ako. At nakokonsensya na ako, paano kung may masamang mangyari sa kaniya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Tatawagan kita mamaya, magkita tayo. Ite-text kita. Jude I am trusting you"
"Makakaasa ka" matapos ibaba ni Yohan ang tawag ay binaling niya ang tingin sa akin.
"We need to get out of here. Siguradong pupuntahan tayo ni Mr.Zamora dito" wika ni Yohan at hinila ako pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Yohan.."
Nilingon niya ako.
"Alam mo... hindi naman mahalaga ang tulad ko, sa lipunan isa lamang akong napakaliit na dumi, hindi ako ganun kaimportante kaya sa tingin ko ay wala namang makakapansin kung mawawala ako"
"What are you saying?" Napataas ang kilay niya sa akin.
"Yohan nag aalala ako sayo ng sobra..."
"You should be more worry about yourself, Mr.Zamora and Doctor Flores is hunting you right now"
"At dahil doon pati ikaw pwedeng manganib. Alam kong wala na akong kawala sa kanila ngayon kaya madadamay ka sa problema ko dahil sa pagprotekta mo sa akin"
"Of course! What do you expect me to do? Hayaan lang kita na mamatay? Hahayaan lang kita na ilayo ka sakin? Miki, the moment na nakilala kita I told you na involve na ako sa lahat ng nangyayari sayo! Ano bang problema mo!?" Tumaas ang kaniyang boses. Alam kong naasar siya sa mga sinabi ko.
Napayuko lamang ako. Pero totoo naman ang mga sinabi ko diba? Puro problema lang ang dala ko, mula ng nakilala niya ako ay nalagay sa panganib ang buhay niya at matatapos lang yun pag wala na ako, hindi naman ako ganun kaimportanteng tao para mabuhay pa, ni wala na akong pamilya, so ano pang saysay?
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Aktuelle LiteraturOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...