11

703 33 4
                                    

Y O H A N

I'm on my way house, sa gitna ng pagmamaneho ay hindi ko parin makalimutan yung imaheng nakita ko kanina kay Miki. Strange, hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o ano.

Samantala, naramdaman ko bigla ang pagvibrate ng phone ko. Si Jairo ang tumatawag, my little brother. Pinindot ko ang bluetooth earpiece ko ng sagutin ko yun.

"Jairo?"

"Kuya nasa hospital pala ako"

"What? Why? Anong nangyari ba sayo?"

"Well.. napilayan lang naman dahil sa basketball"wika niya. "Can I have a little favor?"dagdag pa niya.

"I know. Pupunta na ako dyan"

"Great! Thanks brother"

Binaba ko na ang phonecall at dumeretso sa hospital para sunduin si Jairo. Nasa hospital bed siya pero nakaupo lang at may arm sling bandage.

"Psh, bakit ba hindi ka nag iingat?" Sermon ko.

"Di naman 'to malala"sagot niya.

"You just broke your arm! May bandage ka pa! Sa tingin mo di yan malala? Papagalitan ako ni mommy dahil sayo eh"

Jairo and I are living away from our parents. Sa mansion kasi kami ni lola Kath nakatira dahil dito narin kami nag aaral. Since Lola Kathpassed away, kami na ang tumira sa mansion along with our cousin Kuya Jackson. So technically, ako talaga ang responsable sa kapatid kong 'to dahil ako ang mas matanda.

"She doesn't need to know"

"She need to know, at siguradong malalagot ka"sabi ko.

"Psh" inirapan niya ako.

"May bill ka ba?"tanong ko.

"Yeah, yung sa gamot lang at sling" binigay niya sakin yung maliit na bill paper

"Wait me here, ako na magbabayad"

Iniwan ko siya saglit at pumunta sa accounting station. Habang binabayaran ay nilibot ko ang aking mata. There are many sick people here wearing hospital gowns and some are on their wheelchairs.

But in the middle of the wave of people, I saw Mr.Zamora came out from an authorized room along with a doctor. The doctor is familiar acctually, siya yung doctor na nakausap ko nang may aksidenteng naganap noon.

"Your reciept sir" muli ako napatingin sa clerk.

"Thank you" mabilis kong kinuha ang resibo at naglakad papalapit kay Mr.Zamora.

Sinundan ko sila ng kasama niyang doctor hanggang nakarating sa third floor. Hindi ako nagpahalata, I make sure na may enough distance ako sa kanila, after more several steps ay nakita ko silang pumasok sa isa pang room.

I notice na kokonti nalang ang tao dito, wala masyadong nurse at patient dito. I took the opportunity to sneak in at sumilip sa maliit na framed view window pero wala akong makita. May puting kurtina kasi ang nakatakip sa buong kwarto, pero naaaninag ko ng konti ang mga anino nila.

"Sir? May kailangan po kayo?" A nurse came out from my back.

"Uhm.. where is the cr?" Alibi ko.

"Sa dulo po ng hallway sir"

"Thank you" I smiled and walk away.

Hindi na ako pumunta sa cr dahil alibi ko lang naman yun kanina. Bumalik nalang ulit ako kay Jairo.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon