14

620 33 3
                                    

M I K I S H I E

Hindi ko alam kung bakit napakaganda ng gising ko ngayong araw, nagtext sakin si Yohan at pinapupunta ako sa room niya ngayon umaga. Hindi ko nga alam kung bakit parang excited ako kahit alam kong uutusan niya lang ako, baliw na siguro ako.

"You eat your breakfast, did you?" Tanong ni Jude sa akin.

Papasok kami ng school at siya ang nag d-drive. Pansin ko nga na kanina pa siya palinga-linga sa akin.

"Malamang, magkasabay tayong kumain diba?"wika ko.

"Pero mukha kang nalipasan ng gutom. You're smiling like an idiot"

"Balak mo bang sirain ang araw ko ha?"

"Like I used to doooo HAHAHA!"mapangasar niyang sagot.

"Bwiset" inirapan ko nalang siya. Ano pa bang bago? Eh diba nga palagi talaga siyang nambubwiset?

Nang makarating sa school ay pansin kong marami na namang nakatingin kay Jude, habulin talaga ng babae ang isang 'to, sa totoo lang hindi naman siya kasing gwapo tulad ni Yohan—pero napakalakas ng dating niya dahil ngiti palang tignan mo nahuhulog na ang panty ng iba.

"Damn, I am really handsome" anito habang naglalakad kami sa school ground.

Ang hangin na naman.

"Good morning Summer.." Napatigil ako ng harangan ni Elise ang daraanan ko.

Tumingin ako sa kaniya at nginitian niya ako ng kakaiba. Nakakapagtaka naman na binati niya ako ngayong araw.

"Woah Elise, very unusual behavior of yours" biglang saad ni Jude.

Gusto kong matawa sa sinabing yon ni Jude, nababalot kasi iyon ng sarkasmo.

"What's so unusual about that? Noong nagising nga si Summer, napakaraming unusual acts ang ginagawa niya pero hindi niyo pinapansin diba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, may kakaiba sa sa tono ng pananalita niya at nararamdaman kong malaman ang mga ito, may ipinaparating siya sa akin.

"Unusual or whatever, I don't care, she's still my cousin"sagot ni Jude.

"Are you sure that she's your cousin?"

Tumaas ang kilay ni Elise at tinignan ako. Napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin at kinilatis ako.

"Are you sure... that she is Summer?" Inikutan niya ako habang kinikilatis, pinilit kong kumalma kahit mabilis na ang pagtibok ng puso ko.

Napapansin na kami ng iba pang mga studyante at nakikiusisa na.

Hindi kaya alam na ni Elise ang sikreto ko? Pero paano nan mangyayari iyon? Maingat naman ako diba?

"What are you saying? Of course she is" kunot-noong sagot ni Jude.

Tumigil si Elise sa harap ko at tinitigan akong mabuti sa mata.

"Of course... she's not!" matigas na wika nito at nilahad sa harap ng mukha ko ang isang rosaryo.

"GET OUT OF HER BODY!"

Nagbulungan na ang mga tao dahil sa kaniya. Yung iba ay nagtatawanan na. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kung matatawa ba o mababahala.

"GET OUT BAD SPIRIT!! GET OUT OF SUMMER'S BODY!!"sigaw ulit nito.

"What the hell Elise? Do you think Summer is under an exorcism?"natatawang saad ni Jude.

"Elise, itigil mo yan"saad ko.

"Ikaw ang tumigil kung sino ka man!! Ibalik mo si Summer! Lumayas ka sa katawan niya!"

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon