Chapter 1

2K 35 3
                                    


*Their school days. Grade 8 si Mayreeh dito 3rd year college naman si Vhien*

Mayreeh's POV

Nakakainis naman si Riel! Saan ko siya hahanapin? Eh ang laki laki ng school na to!

Si Riel nga pala ay best friend ko na lalaki. Wala, gusto ko lang makipagkaibigan sa mga lalaki. Hindi Kasi sila plastic unlike girls.


Napadpad ako doon sa may garden ng school sa kakahanap. Mag wa-one year higit na ako dito hindi ko parin kabisado masyado dahil sa laki tapos isa pa hindi naman ako mahilig maggala talaga.

Maya maya pa ay may nakita akong guy na nagyoyosi. Nilapitan ko siya.

"Excuse me po kuya?" Napalingon siya sa akin. Ni head to foot niya ako saka natigilan.

"Bakit bata?" Tanong niya. Napanguso naman ako.

"May nakita po kayong lalaki na ganito katangkad po? Saka grade 8 student na po siya classmate ko. Kaibigan ko narin po. Saka po masama po ang magyosi sabi ni nanay marami kang sakit na makukuha. At mas lalong bawal dahil nasa school ka." Daldal ko.

"Pucha! Sinong nagtanong?" Napanguso naman ako.

"Ay sorry po. Pero may nakita po kayong lalaki po?" Tanong ko.

"Tangna! Aba malay ko. Wala akong nakita." Ang sungit naman.

"Ay salamat nalang po." Magalang na sabi ko. Ang sabi kasi ni nanay lahat ng nakakatanda sa akin ay dapat igalang ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita siya.

"By the way what's your name?"

"Mayreeh Zeerah Alega po. Bakit po?" Tumango naman siya.

"Anong grade ka na?"

"Grade 8 po." Mukha naman siyang nanghinayang. Bakit kaya?

"Ang bata mo pa. Saka maliit ka din." Nahiya naman ako sa sinabi niya.

"Siympre po grade 8 palang po ako eh. Tatangkad pa po ako. Ay kuya aalis na ako hahanapin ko pa pala ang bestfriend ko malapit na sigurong magbell kaya mauna na ako." Tatakbo na sana ako ng pigilan niya nanaman ako.

"I'm Vhien Levic Alvaro." Nanlaki naman ang mata ko. Ang alam ko isa ang mga Alvaro sa pinakayaman sa pilipinas.

"Ahh, sige po." Wala sa loob na sabi ko.

"Wala ka bang sasabihin?" Nagtaka naman ako.

"Hah? Meron ba dapat po?" Parang nainis naman siya sa sinabi ko.

"Umalis ka na nga. Po ka ng po." Tila naiinis pa siya.

"Dapat nga kayong magpasalamat po kasi ginagalang ko po kayo. Sabi kasi ng nanay ko galangin ko daw ang mga nakakatanda sa akin total mukhang mas matanda ka po sa akin dahil ang tangkad niyo po." Napailing siya.

"Ang daldal mo bata. Umalis ka na baka ma late ka pa." Hindi na ako nagsalita baka maparami pa ang masabi ko. Mukhang masungit pa naman siya. Pero ang gwapo ni kuya ah! Isa siyang moreno. Ideal guy ko. Hmm matangkad siya siguro hanggang kili kili niya lang ako.

Napanguso naman ako. De bale na tatangakad pa naman ako.

Saka ang tangos ng ilong niya ang kinis din ng mukha manipis din ang mga labi na ang pula pula kahit sa tingin ko palagi siyang nagyoyosi. Medyo singkit din ang mga mata. Tska ang ganda ng kulay ng Mata niya napakaitim niyon para siyang bampira? Yon nga lang hindi naman siya masyadong maputi kasi nga moreno siya. Pero isa lang ang masasabi ko napakagwapo niya!

Hindi ko sure kong sinong mas gwapo sa kanila ni kuya Craig pero ang gwapo nila pareho.

Hindi ko rin alam na siya pala si Vhien Levic Alvaro. Tska wala naman akong crush sa kanya ang Bata bata ko pa tska ang tanda niya siguro para sa akin. At lalong ang taas ng level niya. At opps may crush na Kaya ako. Hihihihi.

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon