Mayreeh's POV
"Nandito na tayo."
Hindi ko alam na nakarating na pala kami. Buong byahe Kasi akong tulala. Napansin ko pang may luha sa mga mata ko.
"Salamat Maxell."
Aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko Mayreeh. Hindi sa nanghihimasok ako ng relasyon pero ang gusto ko lang naman ay hindi kayo magkasakitan. Nakita ko kung gaano ka kamahal ng best friend ko. Ang totoo niyan ikaw ang first love niya. Nakita ko kung gaano siya kasaya habang kasama ka niya. Alam mo bang nagpaparty pa ang gago noong sinagot mo siya? Kaya kung may problema ka man na makakaepekto sa relasyon niyo ay sana sabihin mo sa kanya. Knowing Vhien? Alam kong iintindihin ka niya. Ganoon ka niya kamahal."
Napahagulhol ako saka niyakap siya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko Maxell. Grade 12 palang ako pero nararamdaman ko na 'to. Mahal na mahal ko siya."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako sa sasakyan niya.
Hindi naman nagtagal ay pinaandar niya na iyon paalis.
Tiningan ko pa iyon hanggang sa mawala na Ito sa paningin ko.
"Bagong boyfriend mo?"
Nilingon ko iyong nagsalita. Kumunot ang noo ko.
Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa. Gwapo siya. Pero mas gwapo parin si Kuya Vhien.
"Sino ka? Saka hindi ko naman ho siya boyfriend."
Tinitigan niya ako ng maigi.
"Mayreeh Zeerah Alega. Magalang ka pala."
Nakangising sabi niya.
"Bakit mo ako kilala?" Inis na tanong ko. Pero hindi ko pinapakita iyon ng todo dahil hindi ako tinuruan ni Nanay na maging bastos sa nakakatanda sa akin.
"Simple lang, You're Vhien Levic Alvaro's Girl."
Nakahalukipkip ako saka tiningan siya ng masama.
"So?"
Hindi ko mapigilang magtaray. Hindi ko kasi siya gusto.
"You're pretty."
Nailang ako sa klase ng pagtitig niya. Kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"So sino 'yun? Boyfriend mo 'rin? Pinagtataksilan mo pala si Alvaro." Saka siya humalakhak.
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.
"Anong karapatan mong magsabi ng ganyan?! Hindi Kita kilala! Wala Kang alam! Sino ka ba?!"
Gusto ko siyang sipain pero dahil naaalala ko nanaman ang sinabi ni Nanay. Hindi ko nalang ginawa.
"Nice question. We'll baby I am Brake Venjon Valdez."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.
Dali-dali akong tumalikod sa kanya. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makaiwas. Pero nakakainis lang dahil sinusundan niya ako Hanggang makarating ako sa bahay.
Doon naman kami nakita ni Mama.
"Oh? Valdez? Halika dito! Buti at nagkakamabutihan na kayo!"
Napaawang ang mga labi ko.
"M-ma..."
Naiiyak ako.
"Napag-usapan na natin Ito Mayreeh!? Ano hindi mo itutuloy?! Oh sige! Habang buhay Kang magdusa! Hinding hindi Kita patatawarin!"
BINABASA MO ANG
"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]
Romance"22 na siya, 13 palang ako. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa isang tulad ko. Ang bata bata ko pa pero kung makaangkin siya akala mo mag-asawa kami at sa kanya ako."-Mayreeh Zeerah Alega "Fuck! She's just 13 years old, and I'm 22 already...