Chapter 42

945 22 0
                                    

Vhien's POV

Bridgette? Nag-isip ako kung saan ko ba siya nakilala.

And then a scene suddenly popped from my head.

I remember her.. she's one of my girlfriend when I was in my second year college.

I'm not sure if I'm right but as far as I know, sa park kami nagkakilala.

I didn't loved her.  Nagandahan lang ako sa kanya kaya niligawan ko siya. Hindi naman nagtagal ang relasyon namin dahil nakuha ko na ang gusto ko at pinagsawaan ko na siya.

"She was my girlfriend for so many years." His voice suddenly broke.

I can see that he's hurt. But I don't care about him!

"And?"

"I'm hurt..nasaktan ako ng hiwalayan niya ako dahil sayo.. hindi naman ako totally nagalit sayo dahil naagaw mo siya sa akin.. ang akin lang ay 'yung nagpakamatay siya dahil iniwan mo siya.."

Bigla naman akong nanlumo sa narinig ko. Pero agad din itong nawala ng maisip ko ang pinanggagawa niya kay Mayreeh.

"Pero hindi ko alam na gagawin niya 'yon! Kaya ba ginagawa mo ito sa akin? Kay Mayreeh? Ano bang kasalanan niya para idamay mo siya?"

"Siya ang ginamit ko para saktan ka."

Sa galit ko ay hinablot ko ang baril na nasa pants ko kanina pa.

Narinig ko ang pagsinghap ni Mayreeh at ng pamilya niya.

"Oh my God!" Tili ni Maryelle.

"K-kuya! Ibaba mo yan?! B-ba't may baril ka?!" Nahimigan ko ang takot sa boses niya kaya naibaba ko ito ng wala sa oras.

"Putangina mo pala! Edi sana pinatay mo nalang ako!" Galit na sigaw ko.

"P-pinagsisihan ko naman na iyon.." Biglang malungkot na sabi niya.

"Kahit magsisi kapa hindi parin mababawi na nasaktan mo na si Mayreeh at ang pamilya niya! Bakit kailangang mangdamay ka pa?! Papatayin talaga kita! Sinira mo ang buhay nila! Sinira mo ang buhay ni Mayreeh! Sinira mo ang buhay ko!" Tumataas baba ang dibdib ko sa galit.

"Alam mo? Kahit patayin pa kita ngayon ay hindi sapat iyon dahil sa sakit na dinulot mo!"

Nilabas ko nanaman ang baril ko. Wala akong pakialam kung mapatay ko pa siya. Hindi pa sapat iyon!

"W-wag Kuya! Masama iyan!" Pilit niyang pinababa ang baril na hawak ko.

"Hindi mo kailangang gawin yan dahil lang sa galit ka..naging mabait naman siya sa akin..Oo galit rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin, sayo, at sa pamilya ko. Pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na eh. Isa pa, kahit na pinagbantaan niya ang mga buhay namin ay hindi niya naman tuluyang ginawa. Naging mabait siya sa akin sa loob ng nakalipas na tatlong taon. Pinaaral niya pa nga ako eh.. Inalagaan niya rin ako.. pinayagan niya pa nga akong umuwi... At isa pa nagsisisi na siya."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Dapat ako ang gumagawa sa lahat ng ginawa ni Valdez sa loob ng tatlong taon! Ako dapat ang nag-aalaga sa kanya!

Bakit ganyan siya? Bakit napakabuti niya?

"Mayreeh---"

"Wala kang karapatang tawagin siya sa pangalan niya!" Dinuro ko pa siya.

"I'm sorry...Pero Mayreeh minahal talaga kita. Dahil sa pagmamahal ko sayo nawala ang galit sa puso ko.. Dahil din sa pagmamahal ko sayo, natuto akong magpalaya. Loving you, change me to be a good person."

Tumigas lalo ang ekspresyon ko. Paulit-ulit akong nagmumura sa isipan ko dahil sa sinabi niya.

"Wala kang karapatang mahalin si Mayreeh! Ako lang dapat! Ako lang!"

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon