Chapter 24

758 14 3
                                    

Mayreeh's POV

Nandito kami ngayon ni Kuya sa isang sikat na Private beach resort. Na may nakapangalan na 'Vallex' sa pagkakaalam ko ay pag-aari Ito ni Craig Aldre Alvaro Marzon.

"Halika na Kuya!" Sigaw ko sa kanya. Excited na excited na Kasi akong maligo kasama siya pero Ewan ko ba sa kanya. Kanina pa siyang pangiti ngiti na nakatingin sa akin.

"Oo na!" Natatawang wika niya saka sinabayan ako sa tubig. Naka trunks lang siya ngayon! At talaga namang ang ganda ng katawan niya! Nakakakilig hihihi! Simula sa biceps niya. At sa 6 pack abs.

Ang daya nga niya dahil hindi niya ako pinagsuot ng swimsuit. Kaya ang sinuot ko nalang ay maikling shorts at sports bra! Hehehe!

"Kuya naman! Kanina ka pang titig ng titig sa akin! In love na in love ka no?" Tukso ko sa kanya. Pero ngumisi lang siya.

Pinasadahan niya pa ang buhok niya ng palad niya. Tumutulo nanaman ata ang laway ko.

"Oo. At hindi ko ikakahiyang aminin iyon. Mahal na mahal na talaga kita."

Kinilig ako sa sinabi niya kaya winisikan ko siya ng tubig. Bumawi naman siya kaya imbis na lumangoy kami ay nauwi kami sa paghahabulan at asaran. Tawa naman kami ng tawa.

Ito na siguro ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

Maya maya pa ay umupo na ako sa buhanginan dahil napagod ako. Umupo naman din siya saka niyakap ako patalikod. Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.

"You're my happiness sweety. Hindi ko alam na posible palang magmahal ng ganito. Yung araw araw ikaw ang naiisip ko. Kung ano nang ginagawa mo. Kung kumakain ka ba talaga. Kung namimiss mo rin ba ako. Kung mahal mo parin ba ako. Sweety. Wag sanang dumating sa puntong iwan mo ako. Dahil kahit sandali palang tayong nagkasama, dama ko na na ikaw na talaga."

Parang gusto kong maiyak sa narining ko. Patay na patay talaga siya sa akin.

"Hindi naman Kita iiwan Kuya. Para narin kitang kapatid."

Madamdaming sabi ko. Bigla niya naman akong nilayo sa kanya.

"What??!" Sigaw niya. Yumakap naman ako sa kanya.

"Patapusin mo muna ako! Ang atat nito!!"

Niyakap niya rin ako pabalik.

"Para narin kitang bestfriend."

"Ano ba?! Kanina kapatid! Tapos ngayon bestfriend?! Tangina!"

Kinurot ko siya.

"Wag ngang atat diba?! OA!"

Sinenyasan niya akong magpatuloy.

"In short para sa akin na sa sayo na ang lahat! Pwede kitang kapatid. Pwede ka ding best friend! Pero kadalasan mas gusto kitang boyfriend. Ayieeee!"

Saka ko siya tinusok sa tagiliran niya.

"Wag nga sweety!"

Kunwaring sabi niya. Pero namumula siya! Ehehehehe!

Tumayo ako saka hinalikan siya sa cheecks.

"Habulin mo ako!"

Saka ako tumakbo.

Tumayo naman siya at hinabol ako.

"Sweety! Pag ikaw talaga nahuli ko! Buntis ka talaga agad!"

Natigil naman ako sa narinig ko.
Pero agad ding tumakbo.

Napasigaw naman ako noong mahablot niya ako.

Hindi pa man ako nakakarecover ay bigla niya na akong hinalikan. Tumugon naman ako sa halik niya. Ipinulopot ko iyong mga braso ko sa leeg niya habang siya naman ay sapo sapo ang bewang ko. Pinisil niya pa ang pwet ko kaya napalayo ako sa kanya.

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon