Chapter 22

777 18 1
                                    


Mayreeh's POV

Nakasuot ako ng dark blue dress ngayon. 3 inches above the knee na pinaresan ko ng 3 inches heels na color dity white.

Ang mahaba ko rin na buhok ay kinulot.

Susundiin ako ni Kuya ngayon dahil sabi niya ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Siyempre kinakabahan na ako ng sobra sobra. What if they'll not like me? Ipaglalaban ko ba si Kuya? Para kasing..Ewan! Hindi ko na talaga Alam! Dapat act natural lang ako. Naglagay din ako ng light make up.

"What if 'di ka magustuhan ng parents ni Levic? Kasi you're too simple for them."

Levic? Tiningnan ko si Ate.

Hindi ko siya sinagot dahil alam ko namang insecure siya sa akin dahil hindi naman siya ang gusto ng boyfriend ko.

Tatalikuran ko na sana siya ng hablutin niya ang braso ko.

"Gusto ko ang boyfriend mo."

Nginisihan ko siya.

"I already know that. Halata naman eh."

Yon lang ang sinabi ko saka nilagpasan siya.

Doon ko naman nakita si Mama.

"Gusto naman pala ng Ate mo ang boyfriend mo Mayreeh bakit hindi mo nalang siya ipaubaya sa ate mo? Total mas bagay si Vhien at ang ate mo dahil magkaedad lang sila."

Kinuyom ko ang palad ko.

"Sorry Ma pero alam ko naman pong hindi magugustuhan ni Kuya Vhien so Ate. Dahil hindi si Ate ang tipo niya."

Tinalikuran ko sila. Hindi ko Alam kong saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin kay Mama iyon.

"Napakabastos muna Mayreeh!"

Kumikirot ang puso ko pero hindi ako iiyak! Ayokong sirain ang Gabi na to ng dahil sa kanila.

Mas Lalo lang atang napapalayo ang loob ko sa kanila.

"Oo nga Ma! Hindi naman bagay Kay ate Maryelle ang boyfriend ni Ate Mayreeh! Sa tingin ko masyadong sosyal iyong Vhien para Kay Ate Maryelle! Kahit hindi ko pa siya nakikita. Kaya sa tingin ko ulit ay si Vhien ay para Kay Ate Mayreeh."

Napangiti ako sa biglang pagsulpot ng kapatid ko.

"Manahimik ka diyan Maychelle! Gawin mo na yong assignment mo doon!"

Galit na sigaw ni Mama.

"Ate Mayreeh? Good luck hah? Pasalubong mo!"

Saka siya pumasok sa kwarto nya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Doon nalang muna ako sa daan maghihintay. Nakakasawa Yong mga pinagsasabi ni Mama.

Naghintay pa ako Doon ng mga 10 minutes saka dumating ang isang mamahaling sasakyan. I think ang boyfriend ko na iyon.

Lumabas nga si Kuya Vhien sa sasakyan na iyon. At habang papalapit siya sa akin ay parang nag slow motion ang lahat.

A-ang gwapo niya! Pakipunas naman ng laway ko bee?

Ngumisi siya sa akin!

Ihhh! Kainis naman! Parang hindi kami bagay dahil ang gwapo gwapo niya sa suot niya! Simple lang naman ang suot niya pero para sa akin ang lakas ng dating! Like watdapak!

"Ang ganda mo."

Yan agad ang bungad niya sa akin.

"Ang gwapo nyo rin po Kuya walang halong biro! Hehe!"

"Teka? Magpapaalam muna tayo sa Mama mo."

Napanguso ako.

"W-wag na. Alam naman niya. Tara na!"

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon