Chapter 5

1.2K 29 0
                                    

Mayreeh's POV

Hindi ko talaga makalimutan yong nangyari kanina. Parang hindi si Kuya Vhien ang kaharap ko. Hindi ako sanay na ganoon siya at lalong hindi ako makapaniwala na gusto niya ako kasi naman ang daming babae diyan na ka edad niya na naghahabol sa kanya tapos sabi niya ako ang gusto niya. Parang hindi totoo parang nagbibiro lang siya yon ngalang hindi nakakatuwa.

Pero bawi naman sa nabalitaan ko ngayon. Ako nanaman ang top-2 sa section namin. Hindi ko talaga kasi mapantayan si Montalvan eh mas matalino talaga siya sa akin pero kahit na ganon thankful parin ako dahil Over 70 kami sa section pero ako pa ang nasa rank 2 ang laking achievement na nito.

Pauwi na ako at dala dala ko na ang medal at certificate na natanggap ko as rank 2.

Naghihintay ako ng tricycle para sakyan pauwi hindi na muna ako mag ta-taxi para makatipid na rin may pinag-iipunan kasi akong pangregalo sa darating na birthday ni Nanay.

Nakita ko si Ate Goldy na kumakaway sa akin kaya kumaway din ako sa kanya. Nakakapagtaka parin na bigla siyang bumait minsan iniisip ko pa nga na si Ate Crystal ang kaharap ko kasi mabait pero ang alam ko naman ay hindi na pumapasok si Ate Crys dahil buntis siya at ang nakabuntis ay si Kuya Craig. Nakakagulat nga eh kasi ang alam namin sila ni Ate Goldy ang may relasyon.

Nakita ko namang may humintong sasakyan sa tapat ni Ate Goldy. Pumasok siya doon at umandar na Ito paalis. Iba na talaga pag mayaman.

Halos lahat ng students dito ay mayayaman. Bihira lang ang Hindi at kasama na ako doon. Nakapasok lang naman ako dito dahil sa scholarship.

Papara na sana ako ng may Biglang magsalita sa likuran ko.

"Ihahatid na Kita Mayreeh." Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon.

"K-Kuya." Medyo kabado na sabi ko.

"I'll take you home. Delikado na medyo madilim pa naman." Sunod sunod akong umiling saka siya hinarap.

"W-wag na kuya. Kaya ko po ang sarili ko. S-sige na po." Iiwasan ko na sana siya Ng magsalita nanaman siya.

"Iniiwasan mo ba ako? I told I like you Mayreeh. I don't care if you're too young for me. Basta gusto Kita. All you have to do is to like me back. I am Vhien Levic Alvaro..and what I want will always be mine." Hinarap ko siya.

"Hindi kuya. Hindi po kita gusto. Saka ang Bata ko pa para sayo." Kita kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I don't take no for an answer. But right now I'll take you home so that I'll not be going to worry." Hindi ko siya sinagot.

Alam kong ang gwapo nga ni Kuya pero parang mali talaga na may gusto siya sa akin. Ang bata bata ko pa.

"Kaya ko na po." Matigas na sabi ko saka tuluyang pumara. Hindi naman niya ako hinabol kaya nakahinga ako ng maluwag.
Sumakay ako sa tricycle.

"W-wait safe ba dyan?" Alangang tanong niya.

"Oo naman po." Walang ganang Sabi ko.

Umandar na ang tricycle. Tiningan ko pa si Kuya Vhien sa likod at nakita ko siyang napailing-iling bago sumakay sa kotse niyang mamahalin. Medyo kinabahan ako dahil ginabi nanaman ako ng uwi. May tinapos pa kasi akong activity sa tatlong subjects namin at kailangan na agad na ipasa kundi may deduction na.

"Diyan lang po sa street **** manong." Nagbayad ako kay manong pagkadating namin. Agad akong bumaba.

Akap akap ko ang certificate at bitbit ko naman ang medal. Hindi ko alam kung matutuwa ba si Mama dito o hindi.

Pumasok ako sa hindi kalakihan naming bahay. Nadatnan ko si Mama na nananahi.

Nagmano ako kay Mama.

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon