Mayreeh's POV
5 days. 5 days ko nang iniiwasan ang phone calls at text ni Kuya.
Kahit na ayoko ay kailangan kong gawin para sa Mama ko.
Miss na miss ko na siya.
Simula na din noong pagkikita namin ni Valdez ay panay na siyang nandoon sa bahay.
Si Ate naman ay ilang araw ng hindi umuuwi. Nag-aalala na nga si Mama sa kanya.
Ang bunso naming kapatid naman ay hindi pinapansin si Mama. Lagi niya ring tinatarayan si Valdez. Pilit niyang pinapamukha dito na hindi nito siya gusto. Na kami at si Kuya Vhien lang ang bagay. Which is nakakatuwa kasi may kakampi ako.
"Uy Mayreeh, Bespren? Bakit parang Wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang araw?"
Napalingon ako sa gawi ni Riel ng magsalita ito.
Nginitian ko siya.
"Hah? Pano mo naman nasabi?" Maang ko.
"May problema ka eh! Ano? Sinaktan ka ba ng Boyfriend mo?!"
Napatawa ako ng mahina.
"Ang OA mo naman! Hindi no! Never niya akong sinaktan."
Magsasalita pa sana siya ng dumating na ang professor namin.
"I have an announcement class. Hindi na dito mag-aaral si Ms.Montalvan. Pinagtransfer siya ng mga magulang niya."
"Hala? Bakit kaya?"
"Ang talino pa naman 'non!"
"Sayang naman! Pero okay na rin 'yun! May pag-asa na tayo."
Nagulat ako ng lahat sila ay tumingin sa akin.
"B-bakit?"
Tanong ko. Pero hindi na nila ako sinagot dahil sinuway na sila ni prof saka nagsimula na sa discussion.
Lumipas ang mga oras at uwian nanaman. Simula noong umalis si Kuya dahil sa business trip niya sa china ay si Maxell na ang sumusundo sa akin.
Naghintay ako sa parking lot. Hindi parin dumadating si Kuya Maxell.
"Sakin ka na sumabay Mayreeh." Sabi ni Riel.
Sabay Kasi kaming naghihintay dito dahil Wala pa ang sundo niya.
"Hindi na. Susundiin ako ni Maxell eh. Ingat ka nalang!"
"Oo nga pala. Sige bye!"
May pumaradang sasakyan sa harap ko. Akala ko si Maxell iyon pero nagulat ako noong si Valdez ang lumabas.
"Hi baby pie."
Nilakasan niya pa ang boses niya Kaya nagtinginan ang mga estudyante. Ang sama na ng tingin nila sa akin. Siguro iniisip nila na pinagtataksilan ko si Kuya Vhien.
Hindi ko naman siya pinagtataksilan eh. Naiipit lang talaga ako sa sitwasyon sa kadahilanang gusto kong mapatawad ako ni Mama.
"Gossh? Who is that guy? Don't tell me she's cheating with her boyfriend?"
"Ang kapal naman ng mukha niya!"
"Ang perfect na kaya ni Vhien!"
"She's a lewd. Di hamak na mas mayaman pa naman si Vhien sa lalaking yan!"
"Pero in fairness gwapo din ah?"
"Manggagamit siya! Kawawa naman si Vhien mukhang mahal na mahal pa naman niya ang babaeng yan."
"Oo nga no? Grade 12 palang pero ang landi na."
Napapahiyang tiningnan ko sila. Naiiyak ako. Buong buhay kong nag-aaral dito ngayon lang nila ako napagsalitaan ng ganoon kasama.
BINABASA MO ANG
"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]
Romance"22 na siya, 13 palang ako. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa isang tulad ko. Ang bata bata ko pa pero kung makaangkin siya akala mo mag-asawa kami at sa kanya ako."-Mayreeh Zeerah Alega "Fuck! She's just 13 years old, and I'm 22 already...