Chapter 30:Part 2

729 11 0
                                    

Vhien's POV

Madaling madali akong nagmaneho papunta sa AlvMar para sunduin ang girlfriend ko. Fuck! 1 week niyang hindi sinasagot ang mga tawag ko! Masisiraan na ako ng bait sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya! Alalang-alala ako.

May jetlag pa ako't lahat lahat pero mas pinili kong tiisin ang pagod ko para lang Makita siya.

Dahil tangina! Miss na miss ko na siya.

Sa loob ng mga araw na iyon. Hindi ko narinig ang boses niya.

Tinatanong ko naman si Maxell about sa kanya pero okay lang naman daw si Mayreeh.

Mabilis kong pinarada ang sasakyan ko sa parking lot na iyon.

Hinanap agad ng mata ko si Mayreeh pero hindi ko siya makita.

Nagpalinga-linga ako. Napansin ko namang tinitingnan ako ng mga estudyante doon ng may awa sa mata. Nainis ako kaya sinamaan ko sila ng tingin. Badtrip na badtrip ako dahil Wala akong balita Kay Mayreeh tapos titingnan nila ako ng ganyan?!

Gusto kong manuntok sa inis na nararamdaman ko.

May dumaang babae sa harapan ko kaya tinanong ko siya.

"Nakit mo si Mayreeh?" Mahinahong tanong ko.

"M-may s-sumundo n-napo sa kanya." Kumunot ang noo ko.

"Si Maxell?" Namamag-asang sabi ko.

"H-hindi po eh."

"Fuck!"

Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko atsaka pinasibad Ito.

Binilisan ko ang pagpapatakbo. Buti nalang at hindi masyadong traffic.

Noong makarating ako sa bahay nila ay agad akong kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bunso niyang kapatid.

"Hayss salamat at bumalik ka na Kuya! Nakakainis yung lalaki dito!"

Ginulo ko ang buhok niya.

"Nasaan ang ate mo?"

"Nandoon po kasama iyong lalaking Valdez saka si Mama."

Dali-dali akong pumasok. At doon ko nakitang nakaupo silang tatlo sa sofa at may maliit na mesa sa gitna nila. May mga bulaklak at tsokolate pa iyon.

Nagtiim ang bagang ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon.

"What the fuck are you doing here asshole?!"

Sinugod ko siya saka kinuwelyuhan.

"Ikaw Ang dapat na tinatanong ko ng ganyan. Anong ginagawa mo dito? Mag ex nalang kayo diba?"

Nginisihan niya ako kaya hindi ako nakapagpigil. Sinapak ko siya.

Galit na galit ako.

Gusto kong pumatay.

Tiningan ko si Mayreeh na ngayon ay umiiyak na. Hindi ko maintindihan ang takot sa mga mata niya.

"S-sweety.." Hahawakan ko na sana siya pero umiwas siya.

Parang biniyak ang puso ko.

Anong nangyari?

"See? Ayaw niya na sayo." Nagdilim na naman ang paningin ko kaya sinuntok ko nanaman siya.

"Shut up!" Sa pagkakataong Ito ay hindi ko na makontrol ang emosyon ko.

"Huy! Vhien?! Wala ka ng karapatan sa anak ko kaya umalis ka na dito! Si Valdez na ang bago niyang kasintahan! Alis!"

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon