Being His Property-Epilogue

1.6K 55 21
                                    

Epilogue

Mayreeh's

Walang ekspresyon na tiningnan at pinirmahan ko ang annulment na nakalapag sa harap ko.

Hindi ko alam pero everything in our relationship goes wrong, noong una masaya kami masayang masaya na sa sobrang saya naabot kami sa ganito.

Nagising nalang kaming pareho ng walang gana sa relasyon namin. Wala ng sparks, wala na yong pagmamahal na nakikita palagi sa mga mata namin.

Kaya ito, magpapa-annul na kami. Ayaw na kasi namin pareho na mag stick sa relasyong wala ng kasiguraduhan, kasi kung pipilitin pa namin mahihirapan lang kami.

Gusto ko mang pigilan ang luha ko ay kumakawala parin ito sa dalawang mata ko.

"Akala ko ba wala na?" Nilingon ko si Jeffrey.

"Ha? Wala n-naman na talaga nalulungkot lang ako, kasi siyempre ang tagal din ng pinagsamahan namin diba?" Umiling siya, parang hindi na niniwala.

Lumabas ako ng bahay namin, at sa paglabas kong iyon ay nakita kong bitbit niya ang kanyang maleta kasama ang bagong babae niya.

Napatingin pa siya sa gawi ko saka ngumiti ng malungkot.

Parang napunit naman ang puso ko lalo na nong halikan niya ang babae niya sa noo, na sa akin niya lang ginagawa noon. Pero pinilit kong wag magpakita ng kahit na anong ekspresyon at pilit rin siyang nginingitian saka kumaway. I think this is goodbye.




"Pero siyempre joke lang! Hihihi!"

Oh my God? Nagtaka kayo no?! Hindi naman pwedeng hindi kami magkatuluyan ng lalaking mahal ko at mahal na mahal ako.

"Bakit ka sumisigaw diyan Sweety?" Tanong ni Kuya Vhien na ngayon ay asawa ko na pero Kuya parin ang tawag ko. Wala lang, nasanay na kasi ako. Tapos sabi niya yon lang daw ang itatawag ko sa kanya.

"Wala lang sumagi kasi bigla sa isip ko na nagkahiwalay tayo tapos sumama ka sa ibang babae." Malungkot kunwaring sabi ko.

Bigla niya namang naisara ang laptop na ginagamit niya.

"What?! Shit! Bakit naman? Hindi ko ata kakayaning sumama sa ibang babae, mamatay muna ako! Saka bakit kasi nag-iisip ka ng ganyan? Buntis ka ba?" Kinurot ko naman siya sa pisngi.

"Hindi ah! Nakadalawang anak na tayo tama na!"

"Anong tama na? Kulang pa yan ng lima." Saka niya kinurot ang pwet ko.

"Ang landi mo!" Saka ko siya hinampas ng unan.

"Momo, Popo!" Biglang pumasok ang 6 years old baby girl namin, kasunod ang 9 years old naman na baby boy.

Sumampa sila sa kama.

"Oh? Bakit kayo nandito? Hindi pa ba kayo matutulog?" Tanong ko saka isa-isa silang hinalikan sa noo.

"Dito kami matutulog." Nanlaki naman ang mata ng asawa ko.

"Oo Momo, dito kami matutulog kaya hindi muna kayo mag jujuogjugan ah?" Biglang sabat ng lalaki kong anak.

Nanlaki naman ang mga mata ko pero si Kuya Vhien ay humalakhak lang saka nakipag-apir sa anak niya.

"Levic Vhiel!" Sigaw ko saka pinanlakihan siya ng mata.

"Saan mo natutunan yan?" Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Narinig ko lang naman yan sa mag girlfriend/Boyfriend na nakita ko. Popo laro tayo!" Saka niya binigay ang isang psp sa Popo niya na dala niya kanina pa.

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon