Mayreeh's POVNandito ako sa bakuran namin nagwawalis.
Si Ate naman ay nasa duyan nagpapahangin.
"Mayreeh ano palang course na kinuha mo?" Biglang tanong niya.
"Bussiness Ate."
"1 year nalang diba? Saan mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo? Babalik ka ba sa AlvMar."
"Naku, hindi na Ate. Wala naman ng panggastos. Kahit diyan nalang sa hindi masyadong mahal na school."
"Sige ikaw ang bahala. Ako na pala magpapaaral sayo." Nilingon ko si Ate.
"Wag na, kaya ko naman ang sarili ko. Maghahanap nalang ako ng pwedeng pagkakakitaan."
"Hindi ako na, saka may trabaho naman ako. Mayaman din ang boyfriend ko."
Gaga talaga tong si Ate.
"Mayreeh sama ka? Luluwas ako ng Maynila. Pinapabalik na kasi ako ng boyfriend ko. Hindi niya nga lang daw ako masusundo dahil may inaasikaso siya sa negosyo ng pamilya nila. Kaya nga rin hindi sya nakaattend sa libing ni Nanay. Gusto niya pa naman sana na makilala kayo." Tumango ako.
"Sige Ate."
Saka ako nagpatuloy sa pagwawalis.
Hindi parin talaga mawala sa isipan ko yong katotohanan na hindi ako hinanap ni Kuya Vhien.
Masyado lang kasi talagang masakit. Buti nalang at nandyan ang mga kapatid ko kagabi para aliwin ako. Siguro alam rin nila ang tunay na nararamdaman ko kaya hindi nila ako pinabayaan.
"Mayreeh anak, ako na dyan. Magpahinga ka mo na." Sabi ni Mama saka inagaw sa akin ang walis.
"Hindi ako na ho Ma. Namiss ko tong gawin eh." Binitawan niya naman ang walis.
"Oh sige, tatapusin ko mo na ang niluluto ko doon. Tatawagin ko nalang kayo pag naluto na hah?"
Tumango ako sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ng binibigyan ka na ng pansin ng Mama mo. Matagal ko na tong hinintay eh.
Pero sadyang may kulang lang talaga.
*****
"Ate Maryelle? Luluwas kayo ng Maynila ngayon? Sayang, gusto ko sanang sumama pero may practice kasi kami ngayon ng mga classmates ko eh." Nanghihinayang na sabi ni Maychelle.
"Wag kang manghinyang diyan kasi kahit wala kayong practice hindi naman kita pasasamahin." Sabay dila ni Ate Maryelle kaya natawa ako.
"Nakakainis ka hah?!" Saka siya padabog na umalis.
Lumabas na kami ni Ate bitbit ang maliit na bag.
Pero talaga namang nagulat ako ng makita ko si Kuya Vhien sa harap ng pinto.
"S-saan kayo pupunta?" Namumutlang tanong niya.
May hawak pa siyang mamahaling rosas saka malaking Teddy Bear.
"Aalis kami, malayo dito. Nasasaktan kasi si Mayreeh." Madramang sabi ni Ate kaya nanlaki ang mata ko.
Tiningnan naman ako ni ate na parang sinasabi na 'makisakay ka nalang.' kaya hindi na ako umimik pa.
"H-hindi p-pwede.. hindi mo ako pwedeng iwan ulit." Lumalamlam ang mga mata niya.
"Wow? Kung makadrama? Hindi mo nga siya hinanap diba?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, sana talaga hindi ko nalang sinabi kay Ate yong narinig ko.
Biglang napalitan ng guilt ang ekspresyon niya.
BINABASA MO ANG
"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]
Romance"22 na siya, 13 palang ako. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa isang tulad ko. Ang bata bata ko pa pero kung makaangkin siya akala mo mag-asawa kami at sa kanya ako."-Mayreeh Zeerah Alega "Fuck! She's just 13 years old, and I'm 22 already...