Chapter 36

723 16 2
                                    

Mayreeh's POV

Pagkaalis ni Kuya Vhien ay hinarap ko si Valdez habang umiiyak.

"B-bakit mo pinakita iyon?! Gago ka ba?!!! Ginawa ko na ang gusto mong sabihin ko sa kanya tapos pinakita mo pa?! Hayop ka talaga walanghiya ka!!!"

Napapaupo na ako sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin iyon.

Hindi siya ang Kuya Vhien na nakilala ko. Hindi kailanman na sumagi sa isip kong pagsasalitaan niya ako ng masama.

Pero wala naman akong karapatang magalit dahil narin sa mga pinagsasabi ko sa kanya kanina.

Hindi ko naman sinasadya 'yun eh. Ginawa ko lang yon dahil yun ang gusto ni Valdez. Ginawa ko 'yun para sa Mama kong wala namang pakialam sa akin.

Kanina, gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin habang nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Stop crying Mayreeh. Tanggapin mo na ang katotohanan na sa akin ka na." Dinuro ko siya.

"Hindi ako sayo!" Kung kahapon ay gumaan ng konti ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi niya tinuloy ang pamimilit na makipag sex sa akin.

Ngayon naman ay gusto ko na siyang mamatay nalang bigla.

Bakit kailangang ipakita niya 'yun?! Oo halik lang 'yon pero alam kong napakasakit 'non para kay Kuya Vhien.

Nilingon ko si Mama na hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Ma...sobra na! Sobra na akong nasasaktan! Mahal ko kayo! Sobrang mahal to the point na parang tinalikuran ko na ang lahat! Lumiban ako sa klase Ma! 'yung bagay na ayokong gawin kasi pakiramdam ko hindi ako kompleto satwing hindi ako nakaka-attend sa klase! Iniwan ko ang boyfriend ko dahil sayo! Iniwan ko ang taong mas minahal ako ng higit pa sa inaakala ko! Ang bata bata ko pa para maramdaman lahat ng 'to! Oo na! Kasalanan ko na! Ako ang sumira sa pamilya na pinapangarap mo kaya mo ako pinapahirapan ng g-ganto."

Gumagaralgal ang boses ko. Ang inaasahan ko ay sasampalin niya ako dahil nanunumbat ako ay hindi niya ginawa. Tulala lang siyang nakatingin sa akin.

"Ma....pwede bang tama na?" Pakiusap ko sa kanya.

Para naman siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

"P-pero-- bakit sinunod mo ang lahat ng utos ko?"

Para pa siyang nangsisisi sa tono ng pananalita niya.

Nag-init ang ulo ko. Umurong ang mga luha ko.

"Sinunod ko dahil gusto kong mapatawad mo ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa! Sa kasalanang hindi dapat ako ang magdusa! Gusto kong maging masaya ka! Ngayong nasira mo na ako? P-pwede mo na ba akong patawarin." Biglang napaiyak si Mama saka bumaling kay Valdez.

"Anong ginawa mo sa kanya? A-ano 'yung tungkol sa mga litrato? Mayreeh? B-bakit a-anong---"

Pinutol ni Valdez ang dapat sana na sasabihin ni Mama.

"Pumayag siya dahil mahal ka niya." Napatingin ako kay Valdez.

"H-hindi mo naman siya kailangang sundin Mayreeh!"

Hindi ko maintindihan ang pinupunto ni Mama ngayon.

Naaawa ba siya sa akin?

"Kailangan niyang sundin." Matigas na usal ni Valdez.

"Bakit wala naman siyang utang na loob sayo? Kung tungkol sa pera na binibigay mo wag kang mag-alala babayaran ko lahat 'yon! Pakawalan mo na lang si Mayreeh."

"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon