Vhien's POV
Isang buwan na akong pariwara. Walang magawa sa buhay. Nag-iinum ako kung gusto ko. Nagagalit ako kapag gusto ko.
Naghahanap ako ng gulo kung gusto ko. Maski si Maxell ay walang magawa para sa akin. Hindi ko rin naman siya kailangan. Kaibigan ko lang siya.
"Nag-iinum ka nanaman?" Inirapan ko si Maxell ng makitang papasok siya sa mansiyon.
"At ano nanamang ginagawa mo dito?" Inis na sagot ka.
Tinungga ko ang beer na hawak ko.
"Kanino 'to? Napapansin kong palagi mo 'tong hawak. Lalo na at natutulog ka."
Napatingin ako sa hinahawakan niya. Kahit na hilong-hilo ako ay pinilit ko paring tumayo para hablutin sa kanya ang baby towel.
'yun ang bigay ko kay Mayreeh na palagi niyang ginagamit. Naiwanan niya dito sa mansiyon pagkatapos nong may nangyari sa amin.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko nanaman kung gaano kasakit.
"Wag mo ngang pakialamanan ang mga gamit dito!" Singhal ko saka padabog na umupo sa silya.
Ibinulsa ko pa ang baby towel na iyon. Ewan ko kung bakit hindi ko mabitawan ang towel ni Mayreeh samantalang towel lang naman ito.
Isang buwan narin 'tong walang laba. Muntik pa ngang malabhan noong taga-laba ko. Nagalit pa nga ako sa kanya.
Gusto ko kasi ang amoy ng towel dahil parang si M-Mayreeh lang.
"Hanggang kailan ka magkakaganyan?" Biglang galit na tanong niya kaya galit ko rin siyang tiningnan.
"Ano bang pakialam mo?! Gagawin ko lahat ng gusto ko! Hindi naman kita pinakikialaman kaya wag Kang mangialam sa akin!" Dinuro ko pa siya.
"Isang buwan ka ng hindi pumapasok sa trabaho! Para kang bata! Iniwan ka lang nagkakaganyan ka na? Hah? Ano?! Hahayaan mo nalang na ganyan ang buhay mo?! Hindi kaba nahihiya sa Papo at Nano mo!? Nag-aalala na sila sa iyo pero tinataboy mo sila! Ano?! Hindi ka parin maka move-on sa pag-iwan ni Mayreeh?!"
Tumayo ako saka hinarap siya. Tinulak ko pa siya sa dibdib niya kaya bahagya siyang napaatras.
"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng babaeng nang-iwan sa akin! Wala kang karapatan!! Iniwan niya ako sumama siya sa Valdez na iyon! At ano?! Nagpapakasarap siya doon sa Valdez na iyon habang ako nagdudusa! Pumunta sila sa ibang bansa! Akala mo di ko alam 'yun?" Tumawa pa ako ng sarkastiko.
"A-ano?" Gulat na usal niya.
"Pumunta sila! Iniwan niya na talaga ako! Pinagpalit niya na ako! At wala akong balak alamin kung nasaan sila! Ayokong mag mukhang tanga sa gagong Valdez na iyon! Gusto ko siyang patayin para bumalik sa akin si Mayreeh! Pero bakit ko gagawin 'yun?! Ayoko ng magmakaawa pa sa harap niya! Iniwan niya ako?! Edi iniwan niya ako! Hindi ako ang nawalan! Pero Putangina lang! Ako? Ako si Vhien Levic Alvaro! Ano pang kulang sa akin?! Nasa akin na ang lahat! Pero putangina iniwan niya parin ako! Putangina!"
Nagwawala na ako sa galit.
"B-baka naman may ibang dahilan pa pre---"
Tiningnan ko siya ng masama.
"May iba pang dahilan?! Hindi bat nasabi ko na sa iyo? Iniwan niya ako para sa Valdez na iyon! Sinabi niya mismo sa mukha ko at sa harap ng gagong iyon na wala ng challenge! Na nasasakal na siya sa akin! Pinagmukha niya akong tanga! Sa bata niyang iyon!? Nagawa niya akong lokohin! Nagawa niyang maging malandi dahil hindi siya nakuntento sa ak----"
Natigil ako sa sinasabi ko ng bigla niya akong suntukin.
Napakapit ako sa sa lamesa dahil muntik na akong matumba sa lakas ng pagkakasuntok niya at dahil narin sa tama ng alak.
BINABASA MO ANG
"Being His Property" (Alvaro Series # 2) [Completed]
Romance"22 na siya, 13 palang ako. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa isang tulad ko. Ang bata bata ko pa pero kung makaangkin siya akala mo mag-asawa kami at sa kanya ako."-Mayreeh Zeerah Alega "Fuck! She's just 13 years old, and I'm 22 already...