Kabanata VII

3.5K 163 11
                                    

Xandrus

Ang talim pa rin ng tingin sa akin ni Jai na kanina pa panay bulong kay Leia. 'Di pa naman ako sigurado kung ako yung pinag-uusapan nila. Hanggang ngayon pa naman, galit pa rin siya sa akin?

Pagkatapos naming mag-almusal ay dumiretso na kami sa una naming klase. Kasaysayan ng Titania. 'Yan ang subject namin ngayon.

Narito kami sa silid-aralan namin. Napakalawak nito. Napansin ko ring halo-halong estudyante ang narito. May galing North, South at West Hall. Hindi ko nga lang alam kung saan uupo dahil lahat ng upuan, occupied na. May space pa naman sa likuran kung saan nakaupo si Jai. 'Yon nga lang, wala ni isang upuan ang naroon. Hanggang sa naabutan ako ng isang matandang babae na pumasok bigla sa silid na may dalang isang libro.

"Magandang umaga sa lahat!" bati sa amin ng pumasok.

Tumayo ang lahat at bumati rin sa kanya. "Magandang umaga po, Guro Hestia!"

Pagkatapos, nagsipag-upo ang lahat pwera na na lang sa akin.

"Anong problema, hijo?" tanong ni Guro Hestia.

"Magandang umaga po, Guro. Ako po ay isang bagong estudyante lamang kaya walang akong mauupuan sa silid na ito," magalang kong sagot.

"Ah, ikaw pala ang bagong estudyante. Bago kita bigyan ng mauupuan, magpakilala ka muna sa kanila."

Pumunta ako sa tabi ng Guro para opisyal na magpakilala sa kanila. "Magandang umaga sa lahat! Ako si Jedrick Alexandrus Pascua. Maaari niyo po akong tawaging Xandrus."

"Salamat, Jedrick Alexandrus, at maaari ka nang maupo," sabi niya ngunit nagtaka ako dahil wala pa rin akong mahagilap na bakanteng upuan.

"Saan po, Guro?"

"Sa likuran."

Nagtungo ako sa likuran at wala pa rin akong makitang kahit anong upuan. Lumingon ako kay Guro at nakita ko na lamang siyang kinumpas ang kanyang kamay. May lumabas na isang gintong orb na nagpalutang-lutang sa ere patungo sa kinatatayuan ko. Biglang lumakas ang sinag ng orb kaya napapikit ako ng sandali. Nang humupa ang sinag ay may upuan na sa tabi ng upuan ni Jai. Agad naman akong umupo doon.

Lumingon si Jai sa kinauupuan ko at parang nagulat pa. "Ba't dito ka uupo?" tanong niya sa akin.

"Dito ako pinapaupo. May problema ba?"

"Meron, ikaw."

"Magsipagtahimik ang lahat dahil magsisimula na ang ating klase," biglang sabi ni Guro. Kahit na mukhang mahina ang pagkakasabi niya n'on, rinig pa rin ng lahat ng mga estudyante sa lahat ng sulok ng silid na ito. Mahiwaga nga talaga ang Academia.

Binigyan na lamang ako ng masamang tingin ni Jai. Ano bang problema nito?

Tinuon ko na lang ang atensyon kay Guro na abala sa pagbuklat ng libro. Nang huminto siya, lumutang ang libro sa ere at lumaki ng dalawang beses tsaka ito nagpakita ng isang gumagalaw na larawan. Cool, parang projector yung libro. Tsaka nagsimulang magturo si Guro.

Hindi na naging mahirap sa akin ang maiintindihan ang History ng Titania dahil kahit doon pa mortal na mundo ay nabasa ko na 'to sa mga libro ni Dad, ngunit mas maganda ang pagkakaturo niya dahil sa imahe ng bawat kabanata.

"Sino ang pasimuno ng giyera sa Titania?" biglang tanong ni Guro Hestia.

Madali lang 'to kasi nabasa ko na 'to, kaya nagpataas agad ako ng kamay.

"May isang nagpataas ng kamay."

Nagsipagtinginan naman lahat sa akin na halong pagtataka ang kanilang emosyon. Tumayo ako ng maayos tsaka ako sumagot.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon