Kabanata 16

2.2K 105 0
                                    

Jai's POV


"Jai..."

Tawag ng isang lalaki sa aking pangalan.

Umaalingawngaw sa kawalan ang aking pangalan habang ako ay nakatayo lamang sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin.

"Jai... takbo!"

Hindi ko alam kung kaninong boses iyon pero pinakinggan ko lang tsaka tumakbo palayo sa lugar na iyon.

"Jai!"

"Jai"



***

Napabalikwas ako mula sa pagkakagising dahil sa isang bangungot na naman.

Nakakakilabot na ito, dahil nagiging madalas na akong binabangungot. Hindi kaya ang mga bangungot na iyon ay mga pangitain?

Hays. Tutal, wala namang nagkakatotoo sa mga pinapanagipan ko, isinawalang-bahala ko na lang iyon. Isa pa, wala namang kasiguraduhang mangyayari ang mga iyon.





Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nagka-usap kami ni Alexandrus nang masinsinan tungkol sa pamamalagi niya rito sa eskwelahan.

Simula rin ng araw na iyon, napansin kong mas nagiging malapit na kami sa isa't isa...

...bilang magkaibigan.



Nasa gym kami ngayon para sa aming pagsasanay at heto kami sa bleachers na nakaupo dahil pinagbigyan kami ni Guro Sethron ng konting oras para magpahinga bago magsasanay ulit.

Suot ko naman ay isang baluting gawa sa kahoy, sapagkat wala talagang elemento ang lumalapit sa akin tsaka mas mabigat pa yung de-metal na baluti kaysa nito.

Sa pagsasanay naman, isinali na lang ako ni Guro sa hanay ng mga may baluting tubig dahil naroroon ang karamihan sa aking kaibigan.

"Ano ba 'yan! Hindi ba tayo pahihintuin ni Guro! Pagod na pagod na ako eh!" sabi ni Jas.

"Halata ngang napagod ka," ani ni Rafaela.

"Oo nga, eh parang nakatayo ka lang at nanonood sa ginagawa namin," pagsang-ayon naman ni Leia.

"Ano ba! Ang hirap hirap nga ng pinapagawa ni Guro! Hindi ko nga kaya!"

"Paturo ka na lang kay Rafaela, tutal nagmamagaling naman eh," suhestyon ni Raphael.

"Ah nagmamagaling? Sino nga kaya yung todo pakitang gilas kanina pero mali-mali naman pala?" sabi ni Rafaela.

"Di bale nang magpakitang gilas kaysa nakatunganga lang kanina."

Habang nagbabangayan sila ay lumapit naman si Alexandrus sa akin.

"Ganyan ba talaga sila no? Ang kulit."

"Oo nga eh, hayaan mo, masasanay ka rin sa kanila. Kahit na mga baliw yan, sila lang yung mga natatangi kong nilalapita-- anong meron sa tingin na 'yan?" sabi ko nang bigla na lang niya ako tinitigan sa mga mata at inilapit nang kaunti ang kanyang mukha.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil ayaw niyang tumigil sa kakatitig sa akin. "Ano bang problema mo?"

Mayamaya, inilayo na niya sa akin ang kanyang mukha at nagsalita. "Puyat ka ata. May iniisip ka ba? Kung tungkol pa rin sa'kin yan, puwede mo naman akong kausapin."

"Naku, hindi ah. Wala ka nang atraso sa akin. Nagising lang ako kaninang madaling araw dahil sa isang panaginip tapos hindi na ako nakatulog ulit."

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon