Kabanata 55

1K 66 1
                                    

Jai's POV





Tumakbo ulit ang mag-asawa sa kagubatan palayo sa kawal nang may nakasalubong sila na isang lalaki na may kakaibang suot.

Kamukha niya si Xandrus.

'Di kaya si Guro Markus 'to?

"Ginoo, nagmamakaawa kami, tulungan niyo po kaming makatakas mula sa humahabol sa amin. Parang awa niyo na po," pagmamakaawa ni Rob.

Tinitigan niya ng mariin ang dalawa saka nagsalita. Shemay, parang si Xandrus nga!

"Sumama kayo," sabi ni Guro sa kanila at lumayo muna.

May binigkas si Guro na hindi ko maintindihan saka may sumulpot na isang lagusan sa harap nila.

"Ang daang ito ay patungo sa isang isla sa Enchares. Pumasok na kayo para tuluyan niyo nang matakasan ang kawal."

Nang pumasok ang dalawa sa lagusan, agad na isinara ni Guro yung lagusan saka naman siya nadatnan ng kawal.

"Hoy, may nakita ka bang dumaan rito na mag-asawa?" tanong ng isang kawal.

"Wala naman," kalmadong sabi ni Guro.

"Mukhang nagsisinungaling yata ang isang ito," sabi ng isa saka sinuntok si Guro na agad nawalan ng malay.

Nasa palasyo ulit kami at kasalukuyan kinakaladkad si Guro Markus ng mga kawal sa harap ni Reyna Valentina at Haring Gabriones.

"Kamahalan, nabigo po kaming matunton ang Prinsesa at ang kanyang kasintahan ngunit dala namin ang huling nakakita sa kanila," sabi ng pinuno ng kawal.

"Aba, isang tagabantay pa ng mga lagusan ng Titania ang nahuli nyo! Akala ko isa lang silang mga alamat na nilalang!" sabi ni Reyna Valentina.

Kung gano'n, tagabantay nga talaga si Guro Markus ng mga lagusan ng Titania. Kaya pala nagawa niyang tumawid sa mundo nila ni Xandrus.

"Nasaan ang dalawa, Tagabantay?" malanding sabi ni Reyna Valentina.

Shems, naglalandi pa talaga siya sa harap ng kanyang asawa ha. Hindi kasi maitanggi ang magandang lahi ng mga Pascua.

Hindi sumagot si Guro.

"Aba, wala naman sa kasulatan na pipi ang mga tagabantay ng mga lagusan. Kung yan ang gusto mo, sapilitan ko na lang na aalamin mula sa iyo," sabi ng Reyna saka umihip at may lumabas na itim na usok sa kanyang bibig.

Pumunta ang usok sa noo ni Guro at nang pumasok, dumaing si Guro. Ilang segundo ay may lumabas sa kanyang ulo sa isang gintong bola saka nanghina si Guro.

Hinihila naman ng itim na usok ang gintong bula papunta sa ulo ni Reyna Valentina at no'ng pumasok, tumawa lang siya.

"Aba, aba, aba! Sa isang isla ng Echares mo pa sila pinadala. Tunay na tagabantay ka nga! Sa ngayon, wala ka nang maalala lang tungkol sa Prinsesa at sa pesteng Oclamidos.

Mga kawal, ikulong yan!"

Kinulong nga si Guro Markus ngunit dahil sa may kakayahan siyang gumawa ng lagusan, nagawa niyang makatakas.

Nag-iba ulit ang paligid at nasa tabi ako ng ilog. Nakita ko ang basket kung saan nilagay nina Prinsesa Jainia at Rob ang kanilang anak.

Natyempuhan namang may dumaan na isang lalaki na kamukha naman ni Philip.

Napagtanto kong si Master Yves yon na nasa mas batang anyo.

Kinuha niya ang basket sa ilog at nagulat nang nalaman niyang isang sanggol ang laman ng basket. Umiiyak ang sanggol kaya pinatahan niya agad.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon