Xandrus' POV
Unti-unti kong inumulat ang aking mga mata mula sa pagkakatulog.
Ilang araw na akong wala sa sarili...
...dahil nilason ako ni Jasmiya.
Nagsimula iyon no'ng uminom kami ng inumin na gawa ni Miya. Pagkatapos kong kumain ng pananghaliang ginawa ni Raphael ay dumiretso ako sa sofa sa sala ng room ni Raphael dahil sa hindi maipaliwanag na pagkahilo. Tumabi naman sa akin si Jasmiya at kinausap ako. Kung anu-ano ang sinabi niya na hindi ko naman naiintindihan.
At that moment, mayroon parang sumanib sa akin at naging madilim ang aking isip. Napansin ko ring hindi ko na kayang kontrolin ang sarili kong katawan, pero nakikita ko ang ginawa ko, I mean, nakikita ko kung ano ang ginagawa ng 'kumokontrol' sa aking katawan.
Parang akong nakulong sa aking pag-iisip, na kahit na anong sigaw ko ay walang nakarinig sa akin. Walang labasan, at ang tanging nakikita ko lang ay madilim na kwarto at isang malaking screen.
At no'ng Duelong naganap, talagang hindi ako ang gumagalaw no'n. Alam ko sa sarili ko na hindi ako basta-bastang gumagalaw sa isang labanan, lalo na't kalahati ng buhay ko ay iginugol ko sa pag-aaral ng martial arts.
Sa oras na iyon, naging marahas ako, ngunit napaulanan pa rin ng mga suntok at sipa ni Kaiser. Kahit nasa isip lang ako at nanood sa mga nangyayari, ramdam ko ang hapdi ng mga natatamo kong sugat sa katawan. Sinunukan kong kontrolin, pero nabigo pa rin ako.
Nagulat ako ng nakita kong nakatayo na sa gitna namin ni Kaiser si Jai, na pinipigilan si Kaiser na susuntok pa sa akin.
Pero no'ng kinausap niya ko, ibang mga salita naman ang lumabas sa bibig ko. Nagulat ako ng bigla ko na lang siya sinigawan pero nagkaroon ako ng pag-asa nang dumaing ang 'kumokontrol' sa akin sa liwanag ng kwintas ni Jai.
Sa oras din iyon ay unti-unting lumiwanag ang isip ko, kung saan ako nakakulong, pero agad namang bumalik sa dati nang lumapit sa akin si Jasmiya na labis kong ikinadismaya.
Ang kwintas lang pala ang sagot sa paghihirap ko rito.
Ilang araw rin akong sinasabihan ni Jasmiya na huwag nang lumapit sa mga kaibigan namin, na siyang isinunod ng katawan ko. Kaya walang anumang paraan ang makikita ko ulit ang kislap ng kwintas ni Jai.
Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Nag-coconcentrate ako palagi kahit na walang nangyayari, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na inaaway si Jai.
Nakikita ko siyang natatakot sa akin, at parang naiiyak habang nakasandal siya sa pinto ng room ko. Ni hindi ko nga alam anong pinagsasabi ko sa harap niya hanggang sa sinampal ako sa mukha. Of course, ramdam na ramdam ko 'yon, pero isinawalang-bahala ko iyong nang biglang yumanig dito sa isip ko.
The room changes to white then back to black again and again.
Napansin ko ring kumikislap ulit ang kwintas ni Jai, kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong iyon. Nagconcentrate ako habang kumikislap pa rin ang kwintas at ang isipan ko.
Nang nakalabas na siya nang umiiyak, doon na nagsimulang magwala ang katawan ko. Tila sinasabunutan ng 'kumokontrol' ang sarili ko hanggang napahiyaw na lang ang katawan ko sa daing at lumabas mula sa bibig ko ang isang nakakakilabot na tinig saka nawalan ng malay ang katawan ko.
Ngayon na gising na ako ay nagagawa ko nang maigalaw ang katawan ko.
I tried to raise my both arms at totoo ngang lumabas na ang masamang elemento sa katawan ko.
Napansin ko ring medyo gumaan ang katawan ko, tanda ng pamamayat ko. Hindi masyadong kumain ang 'kumontrol' sa akin kaya medyo nanghihina ako.
Sinubukan kong bumangon sa kama at nagawa ko naman pero may problema...
...nakakadena ang isang paa ko sa kama.
"Tulong! Tulong!" sigaw ko nang hindi ko magawang maialis ang kadena sa paa ko. Napansin kong alas 9 na pala ng umaga, kaya wala ng tao dito sa dormitoryo kundi ako. Class hours kasi ngayon.
"Tulong--" napaubo na lang ako dahil namamaos ako.
Ilang sandali lang ay may narinig akong pihit sa pintuan ko. Siguro may narinig sa sigaw ko. Tila nagulat naman ako dahil ang pumasok sa kwarto ay isang puting pusa. Lumundag ito sa kama ko at lumapit sa akin.
"Meow!"
Tinignan ko ang collar niya at nakita ko ang pangalan ng pusa.
Ryubi
Siguro naman tutulungan ako ng pusang ito.
"Ryubi, matutulungan mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ko ang ulo niya. Wala naman akong nakuhang sagot sa kanya.
"Bibigyan kita ng reward 'pag natulungan mo ako," dagdag ko pa ngunit wala rin siyang sagot.
Hays, parang na akong timang rito, na pinipilit ang isang pusa na tulungan ako. Eh pa'no ba, siya lang naman ang nakapasok sa room ko. Hindi naman pwedeng mag-antay ako hanggang tanghalian dahil baka gumalaw na ngayon si Miya.
"Uy, promise, bibilhan kita ng cat food doon sa mundo namin 'pag tinulungan mo ako," sabi ko.
Nagulat na lang ako ng lumundag paalis ang pusa mula sa kama ko. Aba, tinotoyo yata ang pusa ah. Baka nagmana sa nagmamay-ari niya.
Psh, pusa lang nga naman iyon. Hinding-hindi naman iyon maiintindihan ang mga sinabi ko. Pero, Titania naman 'to. Mahiwaga ang mundong ito, kaya mukhang walang imposible rito.
Isang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ring akong naririnig na kung anuman mula sa labas. Naweweirduhan na ako. Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan.
"Meow!"
Bumangon ako sa kama ko dahil sa ingay ng pusa. Si Ryubi. Akala ko umalis na ang pusang ito, pero nagtaka ako dahil may dinampot siya sa sahig saka lumundag sa harap ko.
Nasa bibig niya ang isang susi. Mukhang susi ito sa kadenang nakakabit sa paa ko. Hinaplos ko muna ang ulo ng pusa. Nakikinig naman pala ito eh.
"Hindi ko kakalimutan ang promise ko sa'yo," sabi ko sa kanya.
I used the key to unlock the chains and suddenly it opened.
Umalis ako sa kama ko at isinuot ang balabal ko. Isisiwalat ko ang tungkol kay Miya sa lahat, lalo na kay Jai na labis na naapektuhan sa nangyari. Siya pala ang gumagambala sa loob ng eskwelahan.
"Meow!"
Bigla nilang tumakbo palabas ang pusa kaya sinundan ko naman ito. Takte, ambilis nga naman ng takbo! Nasa hagdanan pa ako nang makalabas na sa dormitoryo ang pusa.
Nang nakalabas na nga ako, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Huli na ang lahat nang makita ko ang mga estudyanteng nakahandusay na sa school ground.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...