Kabanata 52

1K 65 0
                                    

Leo's POV




Totoo nga.

Totoo nga ang kutob ko na may kapangyarihan siya.

Unang pagkikita pa lang namin ni Jai doon sa Barrio La Trinadana, naramdaman ko nang may kakaibang pwersa na nanggagaling mismo sa kaniya.

Buong akala ko lang talaga na babae siya kaya ipinakita ko sa kanya yung mukha ko. Balak ko kasing iuwi siya at magpalipas ng gabi kasama siya sa kama na siyang kinagawian ko naman kapag may nakita akong magandang dilag dito sa bayan.

Ngunit no'ng nalaman ko ang totoong pakay niya, do'n na lang nagbago ang paningin ko sa kanya.

Hinatid ko naman sila sa palasyo at do'n ko lang narinig ang tunay niyang pangalan.

"Jai, Jairovski Oclamidos po," sabi niya no'ng tinanong siya ni Haring Gabriones sa kanyang pangalan.

Pamilyar sa akin ang kanyang apilyedo dahil narinig ko na 'yun noon pa. Pati rin ang Hari at Reyna na klaro sa kanilang mga mukha na pamilyar rin sila sa Oclamidos.

Masaya naman siyang kausap hindi tulad ng kasama niyang parang galit sa akin no'ng hinatid ko sila sa kanilang pansamantalang kwarto, ngunit hindi naman lubos na matanggap ng isip ko na lalaki talaga siya.

P*ta, ang sarap niyang halikan dahil sa maganda niyang labi. Buti na lang, napigilan ko ang sarili ko.

Nang sinabihan naman ako ng Hari na pinagsabihan na niya si Jai tungkol sa magaganap na piging, bumalik ulit ako sa kwarto nila para sunduin siya este sila.

Swerte naman na biglang bumalik yung kasama niya sa loob ng palasyo kaya naiwan kaming dalawa at mas nakilala ko pa siya.

Ngunit hindi ko naman inaasahan na mas makilala ko pa siya dahil sa kaganapan ngayon gabi.

Tuluyan na niyang pinatunayan sa akin at sa lahat sa may kapangyarihan nga talaga siya.

Sobrang lakas ng kapangyarihan iyon.

Nakakatakot pala siya.

Nag-alala ako ng bigla na lang tumilapon si Haring Gabriones at Reyna Valentina sa harap mismo ni Jai sa isang sigaw lang. Eh pinsan sila ng Ama ko kaya nag-alala ako.

No'ng una, gusto ko siyang pigilan kaya nilabas ko ang espada ko ngunit may kumalabit sa akin na pamilyar na lalaki na may suot na kakaibang kasuotan at punit-punit pa.

"Wag mo nang ituloy ang binabalak mo," mariin niyang sabi sa akin.

Sumagi sa akin isip ang isang larawang nakita ko noon. Nasa larawan iyon si Ama at itong lalaki, at saka ko lang napagtanto na siya si Tito Markus.

"Tito Markus?"

Nagtaka naman siya.

"Ako po 'to, si Leonardo!" sabi ko.

"Leonardo? Yung anak ni Harold?" tanong niya.

"Opo, tito!"

Nakilala ko dahil siya ang kababatang kaibigan ni Ama na minsan na rin bumisita sa amin. Maliit pa ako no'n no'ng huli niyang bisita sa amin.

"Bakit po kayo narito?" tanong ko.

"Anak ko siya," sabi niya sabay turo sa kasamang lalaki ni Jai.

Bigla naman siyang tumakbo patungo kay Jai at tinulak ang kanilang sarili saka natumba. Sakto naman na bumagsak ang aranya mula sa itaas na bumagsak sa kinatatayuan kanina ni Jai.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon