Kabanata 42

1.1K 59 2
                                    

Xandrus' POV


Nagising akong nakangiti. Ganito pala ang pakiramdam 'pag nagmahal ka.

Nagconfess na nga ako ng feelings ko kay Jai kagabi. Ang cute ng reaction niya pagkatapos kong sabihin 'yun. Hindi na ako makatiis kaya hinalikan ko siya.

No'ng una, tumugon siya sa kiss ko pero bigla na lang siya kumalas at nagpunta agad sa higaan niya saka agad natulog. Natawa na lang ako kagabi.

Ewan ko kung kailan ito nagsimula pero alam kong iba na ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Totoo na 'to, kaya habang maaga pa, mas mabuting sabihin ko agad ang nararamdaman ko sa kanya.

Napansin kong wala si Jai sa kanyang higaan, kaya bumangon ako. Napatay na rin ang bonfire na ginawa namin. Nagpatingin-tingin ako sa paligid at may natanaw akong lawa sa di-kalayuan.

Pumunta ako roon, baka sakaling makita ko siya doon.

Hindi pa masyado tumitirik ang araw kaya hindi pa medyo mainit. Ramdam rin naman ang hangin mula sa kabilang lupain. Nga pala, kailangan pa namin yung daanan bago makarating sa lupain ng Serentos.

Nilagpasan ko ang mga puno saka ko nalaman na may talon pala rito. Nakita ko naman si Jai na naghuhubad ng kanyang damit. Maliligo pala 'to.

Napatitig naman ako sa kanyang katawan. Napakinis ng kanyang kutis mula ulo hanggang paa. Parang babae nga yung hugis ng kanyang katawan. Tanging naiwan na lang kasi na suot niya, yung puting panloob niyang  shorts.

Lalapit na sana ako sa kanya para gulatin siya nang may naapakan akong maliit na sanga na nagdulot ng ingay. Napalingon naman si Jai sa kinatatayuan ko. Nanlaki agad ang mga mata niya at biglang sumigaw.

"AHHHHHHHHHHH!" sigaw niya bago tumalon sa tubig.

Lumapit naman ako agad sa talon. Putek, 'pag talon niya sa tubig, saka ko lang nalaman yung lalim nito.

Umahon naman agad si Jai at tinalsikan ng tubig. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!"

Hanggang leeg lang siya umahon at parang nahihiyang ipakita ang kanyang katawan. Tsk, nakita ko na naman eh.

"Wala, gusto ko ring maligo eh. Bakit, sa'yo ba 'to?" sabi ko.

"Ewan ko sa'yo," sabi niya saka lumangoy patungo sa kabilang parte ng talon.

"Subukan mong lumapit, iiwan talaga kita dito sa Tareen!" pagbabanta niya nang nakarating siya sa kabila.

Natawa na lang ako.

Tinanggal ko ang cloak ko at nagsimulang hubarin ang damit ko. Sayang naman kung palalagpasin ko na ang pagkakataong makaligo ng talon sa labas ng eskwelahan.

Hinubad ko muna ang puting long sleeve shirt ko saka ko hinubad ang pants ko. Tanging suot ko na lang ngayon ang boxers ko.

Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Jai saka ito tumalikod agad. Naks, may patitig pa siya sa katawan ko.

"Buti na lang, hindi ako natunaw sa titig mo, Jai!" sabi ko.

"Muka mo!" sabi niya mula sa kabila.

Hindi ko naman kasi madedeny na may maganda akong pangangatawan. May abs pa nga ako eh, hehe.

Nagdive na ako sa tubig. Naks, medyo malamig yung tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Matagal-tagal na rin kasi no'ng huli naming beach outing ng family ko.

Lumangoy ako patungo sa may batuhan na pinagbabagsakan ng tubig-talon. Doon ako nagligo. Naks, parang shower ang dating.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko no'ng oras na 'yon. Yayain ko nga si Jai rito?

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon