Xandrus' POV
Kinabukasan ng gabing nalaman namin ang lahat ng tungkol kay Jai, nagdesisyon si Haring Harold na tutulungan kaming iligtas ang Pecularia.
Kaya todo ang handa namin samantalang patuloy pa rin ang paggaling ni Leia at Jai sa kani-kanilang kwarto, pati rin si Mom at Dad.
Kasama ko ngayong nagsasanay sa isang field ang magkapatid na Llanzaderas: si Leo at ang kanyang kuya na si Leandro.
"Napakagaling mo rin pala, Xandrus. At gamay na gamay mo na yung galawan mo kahit unang pagsasanay pa lang natin 'to," sabi ni Leo nang matapos na kaming magsanay.
"Digmaan na ang haharapin natin kaya dapat handa tayong lahat," tanging nasabi ko.
"Sa bagay nga naman."
Bumalik kami sa palasyo nang madatnan namin si Haring Harold na may binabasa na scroll.
"Ama, anong balita?" tanong ni Leonardo.
"Nakarating sa kaharian ng Silangang Serentos na dito pansamantalang namamalagi ang kaisa-isang anak ni Prinsesa Jainia Hanne Grellega.
'Pag hindi daw natin siya isinauli sa kanila mula ngayon hanggang sa ikatlong araw, pababagsakin daw nila ang kaharian natin at tuluyan sasakupin ang lupain ng Pecularia," natatawang sabi ni Haring Harold.
"Naku, pati pa naman kamag-anak nila, hindi nila papalampasin! Kailangan na natin, kumilos, Ama!"
"Kung iyon po ang gusto nila, isusuko ko na lang ang sarili ko sa kanila," biglang sabi ni Jai na sumulpot sa gilid namin.
"Nangyayari ang lahat dahil lang sa akin kaya tutuparin na lang natin ang kahilingan nang sa gayon ay matapos na ang kaguluhan sa Titania," dagdag pa niya.
"Hijo, kung hindi mo alam, napakatuso ng mga Grellega. Kukunin ka nga nila pero may kasiguraduhan bang hindi na nila gagalawin ang ibang kaharian at lupain?
Ang tuso ay habambuhay na tuso,
at gagawin nila ang lahat para manalo.Naiintindihan mo ba, Jairovski?"
Tumango na lang si Jai. "Pasensya na po talaga, kamahalan. Iniisip ko lang kasi ang kapamahakan ng lahat na madadamay na digmaang ito."
"Lahat naman talaga ay mapapahamak, ngunit hindi matatapos ang lahat kung walang dugong dadanak," dagdag pa ng Hari.
Matapos ang pag-uusap namin ay nagdedesisyon muna kaming bumalik sa kanya-kanyang kwarto. Sinamahan ko muna si Jai na mukhang stress na talaga dahil sa mga nangyayari.
Nasa loob na kami ng kwarto at nakita ko siyang umupo sa gilid ng kama. Agad ko naman siyang tinabihan.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Hangga't hindi pa natatapos ang lahat ng ito, hindi ako magiging maayos, lalo na't may kinalaman ako sa mga nangyayari."
Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ko hinawakan ang kanyang mukha. Pagkatapos niyang malaman ang buo niyang pagkatao, ibang Jai na ang nakikita ko.
"Lagi mong tatandaan, Jai, hinding-hindi ka nag-iisa sa labang ito. Kasama mo kami, at lahat ng ito malalampasan natin ng magkasama."
Marahan kong hinala ang kanyang batok at isinandal ang kanyang noo sa akin. Kahit papaano, napakalma ko siya.
"Mahal na mahal kita, Jai, at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita," sambit ko saka ko nilapit ng husto ang aking mukha sa kanya hanggang sa marating ng aking labi ang kanyang malalambot na labi.
Tumugon naman siya halik ko.
Kumalas kami at tinignan ang isa't isa.
Kuhang-kuha niya talaga ang mukha ng kanyang Ina.
"Sa ganda mo, kaya kitang titigan ng ganito buong araw," sabi ko na ikinatawa niya.
"Psh, bolero."
Naputol ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pinto saka bumukas nang bahagya. Si Leia.
"Pumunta raw muna tayo sa kwarto ng Hari."
Nakarating kami sa kwarto ni Haring Harold at agad naman kaming sinalubong ni Reyna Lessandra, asawa ng Hari.
"Tuloy kayo," masayang bati sa amin ng Reyna.
Hinatid kami ng Reyna sa isang tahimik na silid kung saan nadatnan namin ang Hari na nakatingin lang sa mapa ng Titania kasama sina Dad, Leonardo at si Leandro.
"May pinadala akong tauhan sa lupain ng Pecularia at ito ang nakita niya," sabi niya habang hawak ang isang bolang kristal.
Nagulat naman kami ng bigla niyang tinapon ang bola sa sahig at nabasag. Mas nagulat kami ng biglang naging maliwanag yung mga mata niya.
"Hawakan niyo ako," sabi ng Hari na sinunod namin. Nang nakahawak ako sa balikat ng Hari ay may enerhiya biglang umakyat patungo sa mukha ko.
Parang akong nasinagan sa ilaw noong una pero no'ng dumilat na ako, saka ko lang nakita ang nakikita ng Hari.
Nag-iba ang paligid at nasa teritoryo kami ng Pecularia. Sa harap lang namin ay ang nasirang gate ng school at makikita mula rito sa kinatatayuan namin na nasira na ang shield na pumoprotekta sa school mismo.
Nilingon ko ang mga kasama ko at mukhang nakikita rin nila ang nakikita ko.
"Eto pala ang eskwelahan," sabi ni Leonardo.
Mapapansin rin na sira-sira na rin ang mga builiding sa loob. Sobrang magulo na ang Pecularia at tila parang makulimlim na ang panahon rito kumpara noon.
Lumingon naman ako sa likuran namin at nagulat akong may nakatayo na tao na balot na balot sa kanyang kasuotan. Nakatitig lang sa aming pwesto.
"Uhm, sino siya?" tanong ko sabay turo sa lalaki na agad namang nilingon nila.
"HUWAG NIYONG TINGNAN!" sigaw ni Dad saka bumalik ang paligid sa silid ng Hari.
"Ano yun?" tanong ni Leonardo.
"Isang Gorgonos. Mga nilalang na nasa anyong tao na kayang pumatay ng mga tao sa pamamagitan lang ng isang tingin. Karamihan sa kanila nanggaling sa lupain ng Agresa at ang kanilang nabibiktima ay mga labas sa kanilang teritoryo," paliwanag ni Dad.
Kung gano'n, isang Gorgonos yung umatake sa akin no'ng nasa mortal na mundo pa kami.
"Ano naman ang ginagawa nila sa teritoryo ng Pecularia?" tanong ni Leia.
"Posibleng nakipagsabwatan ang kaharian ng Silangang Serentos sa mga taga-Agresa.
Malaki pa rin siguro ang galit rin ng mga Agresa hanggang ngayon dahil sa hindi natuloy noon ang pag-iisang dibdib ng Prinsipe nila kay Prinsesa Jainia. Yun kasi ang tanging paraan upang mas palawigin pa ang kanilang teritoryo.
Ngayong alam nilang buhay pa ang anak ni Prinsesa Jainia sa isang mang-aalahas, gagawa at gagawa sila ng paraan makuha ka lang nila, Jairovski," paliwanag naman ni Haring Harold.
"Kung makikipagsabwatan sila sa ibang angkan, pwes makikipagsabwatan rin tayo," dagdag pa ng Hari.
"Kanino?" tanong ko.
"Eh 'di ang katabing lupain ng Agresa kung saan tahanan rin ng mga magagaling na mandirigma..."
Tumingin naman ang Hari kay Leia.
"...Ang lupain ng Faran."
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...