Kabanata 49

1K 58 0
                                    

Xandrus' POV





Nagising ako sa isang madilim na kwarto at tanging isang ilaw lang na nakatutok sa akin sa itaas.

Nanaginip na naman ako.

"Xandrus."

Isang pamilyar na tinig ang narinig ko dito sa loob ng kwarto. Di kalaunan ay may umilaw sa harap at nakita ko ang aking pinakamamahal na ate.

"Ate!"

Sinubukan kong tumakbo ngunit hindi ko magawa at parang nakadikit langa aking mga paa sa sahig.

Nakasuot siya ng puting bestida at nakatingin lang sa akin na nakangiti.

"Xandrus."

"Ate," mangiyak kong sabi.

"Miss na miss na kita, bunso."

"Ako rin ate, miss na miss na kita."

Gusto ko siyang yakapin dahil miss ko na talaga siya pero takte naman, hindi talaga ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Xandrus, nauubusan na tayo ng oras. Makinig  ka sa akin nang mabuti.

Nasa paligid lang ang mga kasagutan sa mga katanungan mong noon pa bumabagabag sa iyo.

Kailangan mo nang kumilos habang maaga pa dahil tanging ikaw lang ang makakatuklas sa totoong nangyari sa akin.

Maghanda ka sa paparating na panganib.

Magugulat ka na lang dahil hindi mo 'to inaasahan.

Protektahan mo si Jai kahit anong mangyari.

Iligtas mo ang eskwelahan.

Dahil 'pag hindi...








pati ang mortal na mundo,








madadamay sa digmaan na 'to."






Bigla na lang namatay ang ilaw sa ibabaw ni ate kaya naglaho na siya sa paningin ko.

"Ate!"

"'Wag mong kalimutan ang lahat na sinabi ko. Mahal na mahal ko kayong lahat, Xandrus. Paalam," huli niyang sabi at hindi ko na narinig ang kanyang tinig pa.


Sabi niya, nasa paligid lang ang mga sagot ko.

May kinalaman ba ang kahariang ito sa lahat na mga nangyayari ngayon?

Protektahan ko raw si Jai at iligtas ang lahat.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa narinig ko mula kay Ate.

Binabantaan niya ako.



"Tulong!"


Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay na iyon. Ito yung narinig ko mula sa isang pintuan sa dulo ng isang hallway sa palasyo.

"Tulong! Tulungan niyo po kami!"

Tila pamilyar sa akin ang boses na 'yon ngunit naagaw ang aking atensyon nang biglang sumiklab ng apoy ang paligid ko.










***










Nagising ako dahil sa lamig ng hanging pumapasok sa biglang bumukas na bintana. Kitang-kita ko kung paano sumasabay sa hangin ang mga kurtina.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon