Xandrus' POV
"Meow!"
Pa'no nangyari 'yon? Isang pusa ay may kayang patumbahin ang isang tao?
Kahit na may napatumba kami ni Ryubi dito sa loob ng room ay wala pa ring nagigising. Natutulog pa rin ang lahat ng mahimbing.
Tumakbo naman palabas ang pusa na siyang sinundan ko. Papunta siya sa labas ng building ngunit sa hindi inaasahan ay may humarang na dalawang nakabalabal. Nakatayo lang sila sa exit.
"Saan ka naman pupunta, Pascua?" panimula ng isa.
"Bakit ka tumatakbo? 'Di ba dapat natutulog ka na ngayon sa kwarto mo?" sabi naman ng katabi ng isa.
Binaba nila ang kanilang mga hood na nagtatakip sa kanilang mga mukha. Namumukhaan ko sila. At sa tingin ko, mga estudyante rin sila rito.
"Flyndell nga pala, kung hindi mo kami nakikilala."
"Midonik naman ang pangalan ko."
Flyndell at Midonik. Parang narinig ko na ang mga 'to no'n dito. Gayunpaman, kahit sino pa sila, alam kong kakampi sila ni Kaiser at Miya.
"Wala akong pakialam kung sino kayo. Padaan niyo ako," sabi ko na ikinatawa lang ng dalawa.
"Makakadaan ka pa naman rito palabas, yun ay kung makakaalis ka pa buhay!" sabi ni Flyndell sabay tapon sa akin ng mga yelong orb mula sa kanyang mga kamay.
Iniwasan ko ang mga 'yon. Ang mga orb naman ay nabasag sa sahig, at nagyelo ang mga natatamaan nito.
Wala akong kalaban-laban nito. May kapangyarihan sila habang ako ay wala. Takte naman oh!
Todo iwas ako sa mga tira ni Flyndell, dahil kapag natamaan ako, magyeyelo ako. Napansin ko ring nawala sa paningin ko ang nagngangalang Midonik, kaya naging alerto ako kung sakaling sumulpot yun sa harap ko lalo na't hindi ko pa alam ang kakayahan nun.
"Ano? Akala ko ba malakas ka? Bakit ipinapakita mo sa akin ngayon na mahina ka? Wala ka palang silbi!" sabi niya saka ako pinaulanan ng mga bolang yelo na may mga tinik.
Nakakita ako ng isang mesang natumba sa gilid at doon ako lumundag at nagtago. May tumama rin sa mesang pinagtaguan ko ngunit hindi agad nasira. May nakita naman akong flower vase kaya kinuha ko iyon para itapon kay Flyndell.
Naramdaman kong lumalamig na ang mesang pinagtataguan ko at alam kong hindi magtatagal ay masisira na 'to. Nang tumigil si Flyndell sa kakatira, tumayo ako at tinapon ko ang vase kay Flyndell na siyang tinapunan niya ng isang orb.
Tumakbo ako agad sa isang hallway nang nagawa kong ma-distract si Flyndell. Habang tumatakbo ako ay may tumatawag sa aking pangalan na siyang ikinahinto ko.
Nakita kong nakatayo sa harap ko si Jai. Lumingon ito sa akin at parang siyang takot na naiiyak. Kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Sa wakas, nahanap ko na rin ang isa sa mga kaibigan ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang yakap siya.
"Oo. Mabuti't maayos na ang kalagayan mo ngayon," sagot niya.
Hindi ko alam pero parang may mali sa kanya.
Kumalas na siya sa pagkakayakap at kinuha ang kamay ko.
"Tara, puntahan na natin ang mga kaibigan natin, Jedrick," sabi niya at hinatak ako para tumakbo.
Hindi pa kami nakakalayo ay hinila ko ang kamay ko at binitawan siya. May mali nga sa kanya. Napatigil naman siya sa pagtatakbo.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...