Xandrus' POV
Naalimpungatan ako nang nakaramdam ako ng init na mukhang nagmumula sa bonfire. Hindi nga ako nagkamali dahil may bonfire na nga sa may uluhan namin.
Nakapansin kong nakahawak nang mahigpit si Jai sa mga kamay ko. Natutulog lang siya nang mahimbing sa tabi ko, at nakaharap pa siya sa akin.
Ito ang unang beses na nakita ko siyang natutulog sa tabi ko, kaya nasilayan ko na malapitan ang maganda niyang mukha. Napatitig ako sa kanya.
Eto pala ang minamahal kong Jai.
Ramdam ko naman ang paghinga niya na siyang sinasabayan ko. Tila naaaliw na ako sa pagkatitig sa kanya, at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako na parang baliw.
Baliw na baliw sa kanya.
Psh, nagiging corny na ako.
Nilapat ko ang kanyang isang kamay sa kanyang pisngi saka ko unti-unting hinaplos. Isinantabi ko naman sa kanyang tainga ang parte ng buhok niyang halos tatabon na sa kanyang mga magagandang mata.
Saka ko lang napansin na namamaga ang mga mata ni Jai.
Umiyak ba siya kanina? Huli kong natandaan no'ng sumusunod ako sa kanya sa paglalakad sa nyebe tapos paggising ko, andito na kami sa isang kweba.
Nagising naman siya at unti-unting dumilat. "Xandrus?" mahina niyang sabi.
"Anong problema, munti kong minamahal na Jai?" sabi ko sa kanya. Hindi ko naman inasahan na magugulat siya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko.
Bumangon kami saka bigla na lang niya ako niyakap nang mahigpit.
"Xandrus... buhay ka," sabi niya.
"Oo, buhay ak--"
Naputol ang sinabi ko nang kumalas siya sa yakap at bigla akong hinalikan sa labi.
Iba ang naramdaman ko sa halik na 'yun.
Hinahalikan niya ako na parang miss na miss na niya ako.
Tumugon naman ako sa halik niya kaya ramdam ko ang lambot ng kanyang mga labi.
Ilang segundo lang kami naghalikan nang kumalas si Jai. Isinandal naman niya ang kanyang noo sa aking noo at hinawakan ang ng mga pisngi ko.
"Pwede bang ipangako mo sa akin na 'wag na 'wag mo 'kong iwan, Xandrus?" pakiusap ni Jai.
"Oo naman, pangako, hindi kita iiwan. Basta ipinangako mo rin sa akin na hindi mo rin ako iiwan," sabi ko sa kanya na bahagya niyang ikinatawa.
"Pangako, hindi rin kita iiwan."
Nagkatinginan kami. Sa oras na 'yon, naramdaman ko na mahal na ako ni Jai.
Oo, mahal na ako ni Jai.
Dahil sa halik niya, parang bang bumalik na yung lakas ko. Ewan ko, no'ng nilapat ni Jai yung labi niya sa akin, parang may dumaloy na init sa buong katawan ko.
Teka, nalilibog na ba ako?
Hahalikan ko na sana siya nang may biglang pumasok sa kuweba at hindi namin naaninag kung anong mga nilalang iyon.
"Jai, 'jan ka lang sa likuran ko," sabi ko.
Sumunod naman si Jai ngunit nakita kong walang bakas ng takot ang kanyang mukha at nakatitig lang sa mga nilalang na unti-unting lumalapit sa amin. Ako naman ay naging alerto dahil baka aatakihin na naman kami.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...