Kabanata 26

1.3K 79 0
                                    

Jai's POV


TEKA NGA SANDALI.

TAMA NGA BA ANG NARINIG KO?


"Oy, mapapasukan na ng langaw 'yang bibig mo," sabi ng katabi ko na kanina pa kumakalabit sa akin.

Nilingon ko siya at nakita ko si Rafaela at Leia na tumabi na pala sa akin. May dala pa silang mga aklat. Psh, sila pala yung naghahagikhik sa likuran ko.

"OY SABIHAN NIYO NGA KUNG TOTOO YUNG NARINIG KO?!" tanong ko sa kanila.

"Oo nga! Kakalabanin ng kasintahan mo si Ricky. Tsaka hindi mo rin ba na napansin na kanina pa nawawala si Ricky mula pa no'ng pagsasanay natin? Ayan kasi, abala ka kasi sa pakikipagharutan mo kay--"

Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil medyo pumapasok na sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

Xandrus at Kaiser.

Ang dalawang maglalaban ngayon.

SHEMAY! BA'T HINDI NAMAN NILA SINABI SA AMIN?! PATABI-TABI PA 'TONG KAISER SA AKIN TAPOS IIWANAN LANG PALA AKO DAHIL SIYA ANG MAKIKIPAGLABAN NGAYON.

ETO NAMANG SI XANDRUS, NAKALIMUTAN NIYA YATANG MGA KAIBIGAN NIYA KAMI! SA KAKAHAROT KAY PRIYALA JASMIYA MERADEIS, HINDI NA NIYA NAGAWANG SABIHAN KAMI NA SIYA ANG NABUNOT NGAYON!

AT ISA PA, PAREHAS SILANG WALANG KAPANGYARIHAN! PAANO NA 'YAN?

"Oy, lumabas na ang dalawa oh!" sabi ni Leia.

Lumabas na nga dalawa at ngayon ay magtatapat sila sa Duelo.

Nagkasuot lang sila ng mga proteksyon sa tuhod at siko, at wala ng iba. Sa bagay, wala naman silang mga kapangyarihan kaya inaasahang kaunti lang ang matatamo nilang sugat.

Nagulat ako nang silang dalawa ay sabay na nagpalitaw ng mga baluti na pumulupot sa kanilang katawan. Ito yata ang magbibigay sa kanila ng pansamantalang kapangyarihan na gagamitin nila para sa Duelo.

Suot ni Kaiser ang isang baluting tubig at suot naman ni Xandrus ang isang baluting apoy.

"Kanluran! Kanluran!"

"Hilaga! Hilaga!"

Shemay! Magkatabi nga pala ang mga Kanluran at Hilaga! Tapos eto ako, naiipit kasi nasa gitna ako ng dalawang grupo.

"Pagbilang ko ng tatlo, maglalaban na kayo!
Isa...

Dalawa...

Tatlo! Duelo!"

Pagkatapos na sabihin niyon ni Guro Calypso, sabay silang tumakbo palapit sa isa't isa. Sobrang bilis nga lang ng mga pangyayari.

Pinaulanan ni Xandrus ng mga suntok at sipa si Kaiser habang iniiwasan naman ito ni Kaiser. Nakahanap ng tamang pagkakataon si Kaiser kaya tinuhuran niya si Xandrus sa tyan. Napahiyaw naman ang lahat sa nakita, pati ako.

Napaatras si Xandrus dahil sa natamo, ngunit agad naman siyang nakabawi at tumayo na parang wala lang sa kanya ang tama ni Kaiser.

Si Kaiser naman ay nakatayo lang at naghihintay na lapitin ni Xandrus.

Tumakbo ulit si Xandrus palapit kay Kaiser at biglang lumundag para sumipa sa mukha ni Kaiser ngunit nagulat kami nang lumusot lang siya sa katawan ni Kaiser na parang tubig.

Nagulat rin si Xandrus at sa hindi inaasahan at sumulpot si Kaiser sa likuran niya at sumipa sa likod niya.

Nakagawa si Kaiser ng isang ilusyon upang malinlang ang kalaban.

Bahagyang nadapa si Xandrus at pinilit na makatayo pero bigla na naman siyang sinipa ni Kaiser na nagpatilapon sa kanya.

Nagpagulong-gulong na siya sa lupa, at nagkakaroon na ng sugat sa kanyang katawan.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon