Kabanata 23

1.4K 84 0
                                    

Jai's POV





Pagdating namin sa silid-kainan ay nakita namin ang dalawa na nagtatawanan sa pwesto namin.

"Ano kaya ang ganap sa kanilang dalawa? 'Yan na ba ang epekto ng lasong pinainom niya?" bulong sa akin ni Leia habang palapit kami sa kanila.

"Magandang gabi sa inyo! Hihi," bati sa amin ni Miya.

"Magandang gabi rin," sabi namin sa kanya.

Pansin nga namin na magkatabi sila. Nasa pwesto ngayon si Miya ni Raphael.

"Oy alis ka na nga jan, pwesto ko yan," sabi ni Raphael kay Miya.

"Dito muna ako, doon ka muna sa pwesto ko," sabi ni Miya.

Walang nagawa si Raphael kundi tumabi sa akin. Tumabi na rin sa amin si Rafaela, at alam niya sigurong magiging sampid lang siya sa dalawa. Katabi kasi sila ng kambal niya, na nasa tapat namin ni Leia.

Nagsimula na kaming kumain nang tahimik habang pinagmamasdan ang dalawang naglalandian sa tapat namin.

"Hindi ka ba talaga nagseselos sa kanilang dalawa? Tignan mo oh, mukhang mas napalapit na ang loob ni Ricky kay Miya kumpara sa ating apat," bulong ni Raphael.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Ano ba 'yan, sa harap pa talaga ng pagkain ng lalandian. Kaya, marahan akong umubo na ikinalingon nila.

"Ehem, nasa harap tayo ng pagkain," sabi ko.

"Ih, pasensya," sabi ni Jasmiya.

Pagkatapos kumain, iniligpit na namin ang pinagkainan. Kaming taga-Kanluran na ang naatasan pala ngayon. Bitbit namin ang ilang pinggang pinagkainan ng ibang mga estudyante. Limang pinggan lang ang dala ko, kasi hindi ko na kaya kapag may ipinatong pang isang pinggan rito.

"Naku naman oh, kung kailan pa ako pagod, tsaka pa tayo inatasan sa pagliligpit ngayong gabi," reklamo ni Raphael na may dalang higit sampung mga pinggan.

"Wag ka ngang magreklamo 'jan na parang ikaw lang magliligpit ng lahat na ito. Isang daan tayong maglilinis dito sa isang malaking lababo," sabi ng kanyang kakambal.

Pumasok na kami sa isang malaking silid kung saan kami maglilinis. Sa loob ay may apat na mahahabang lababo na tantsa ko, 50 metrong haba bawat lababo.

Bawat lababo naman ay may 25 na gripo kung saan daan ang tubig na panglinis ng mga pinggan.

Napansin kong nawawala ang dalawang naglalandian kanina.

"Oh asan na yung dalawa? Ba't wala rito?" sabi ko sa kanila.

"Hindi pa siguro tapos magsubuan doon," sabi ni Leia.

Matapos ang isang oras ng nakakapagod na paghuhugas ay dumiretso na kami sa mga silid namin.

Heto ako, nakahiga ulit sa malambot kong kama. Kakaligo ko lang kaya, sobrang presko ang pakiramdam ko.

Umidlip ako para makatulog.

Ngunit bigo akong makatulog.

Maraming bagay ang bumabagabag sa isip ko. Akala ko wala nang dadagdag pa kaninang hapon ngunit dinagdagan pa talaga ni Philip.

"May hinala na ako kung sino ang may kagagawan ng mga misteryosong nangyayari dito."

Ano kayang tinutukoy niyang misteryosong nangyayari dito? Mayroon nga ba?

Sinubukan kong kalimutan ang lahat na nangyari ngayong araw. Sana naman ay dalawin na ako ng antok.

Ilang saglit lang ay napabangon ako sa kama ko. May narinig akong kalangsing sa kusina.

"Sino 'yan?"

Tumayo ako at tinungo ang pinaggalingan ng ingay na iyon. Naku, si Philip pa naman ang huling naiwan dito sa kusina, at lagot talaga siya sa akin dahil ginagambala niya ako sa pagtulog.

Pagbukas ko ng ilaw ay nagulat ako sa nakita ko.

"Pusa?"

Isang pusang puti ang nakita ko sa kusina. May bitbit pa 'tong papel sa kanyang bibig. Lumapit ito kaya napaupo ako sa sahig.

Hinaplos ko muna ang ulo ng pusa tsaka kinuha ang nakatuping papel.

Sa mahal kong kaibigang si Jai,

Alam kong marami kang iniisip ngayon na bumabagabag sa iyong pagtulog. Sana makatulong itong munting regalo ko sa'yo para naman sumaya ka.

Ang iyong minamahal na kababata,
Philip

Hinaplos ko ulit ang pusa.

"Naku, ikaw ba 'yong tinutukoy ni Philip na munting regalo?" sabi ko sa pusa.

"Meow!"

Mukhang dahil sa pagod, hindi ko napansing may pusa pala rito. Paano kaya 'to nakapasok? Hindi naman 'to makakaakyat mula sa baba hanggang dito sa bintana ng silid ko. Nasa ikaapat na palapag ang aking silid.

Tinignan ko ang tali sa leeg nito at nakita kong may nakaukit na pangalan.

Ryubi

"Ryubi pala ang pangalan mo."

"Meow!"

Bigla namang tumakbo si Ryubi papunta sa kwarto ko at lumundag sa kama ko tsaka humiga. Sinundan ko naman siya.

Humiga na ako katabi ng bago kong alaga.

Kahit na makulit 'tong si Philip, hindi pa rin nawawala ang kabaitan niya sa akin mula pagkabata pa.

Narito ako nakaupo sa hardin ng kanilang bahay. Malungkot ako kasi nakikita ko kung gaano kasaya ni Philip sa kanyang tatay, samantala ako, nag-iisa lang sa buhay.

"Oy bubwit na Jai-jai, anong ginagawa mo?" sabi ni Philip nang lumapit siya sa akin.

"Edi nakaupo," sagot ko naman.

"Ang ibig ko kasing sabihin, anong ginagawa mo jan? Ba't ang lungkot-lungkot mo?" tanong niya ulit.

Hindi na ako nakasagot kasi nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Eh kasi, naiinggit ako sa'yo," iyak kong sabi. "Naiinggit ako kasi may Itay ka, ako wala kahit na Inay."

Niyakap niya ako at tinahanan.

"Wag ka nang umiyak, Jai-jai. Kung hindi, iiyak rin ako," sabi niya.

"Wag ka nang maiingit kasi andito naman ako para sa'yo," dagdag pa niya.

"Talaga?" sabi ko.

"Oo naman! Ikaw lang ang kaibigan ko rito! At hindi lang kita kaibigan! Kapatid na rin kita! Kaya walang iwanan ha!" sabi niya na nagpatahan sa akin.

"Walang iwanan!" sabi ko naman.

May ipinakita siya sa akin na tsokolate na hawak-hawak niya. Paborito ko 'yon!

"Kung hindi ka titigil sa kakaiyak, hindi ko 'to ibibigay sa'yo!" sabi pa niya kaya pinahid ko lahat ng luha ko sa munting balabal ko.

"Oh ayan na tsokolate mo! Kaya 'wag ka nang umiyak ha!" sabi niya tsaka inabot ang isang tsokolate.

"Salamat!"

Gumuhit ang isang ngiti sa aking mukha nang maalala iyon. Hindi ko namalayan na umiidlip na ako at bago pa ako nakapikit ay may naaninag akong pulang sinag mula sa dibdib ko.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon