Kabanata 70

1.2K 42 1
                                    

Third Person's POV







Natigil ang lahat dahil sa isang pagsabog sa tuktok ng gusali ng Libraria. Kasabay nito ay ang paglaho ng mga kawal ng Silangang Serentos at mga Gorgonos na nasa itim na kapangyarihan ni Haring Ahriman.

Nagsipagbagsakan naman sa lupa ang mga sandata ng mga kalaban, tanda na sumuko na sila sa digmaan.

Kasabay rin nito ay ang pagkawasak ng pwersang nakapalibot sa buong gym, kung saan nakakulong ang lahat na estudyante at guro.

Mga ngiti ang gumuhit sa mga mukha nila dahil nagtagumpay silang talunin ang mga kalaban at mabawi ang lupain ng Pecularia.

Nagtagumpayan rin nila Haring Harold na talunin ang mga taga-Silangan Serentos na nagtangkang sakupin rin ang kanilang lupain.

Sa kabilang mundo naman ay tila wala na ang misteryosong nangyayari doon at nagbalik na ang lahat sa dati, dahilan upang maudlot ang nagbabadyang giyera rito.

Ngunit sa likod ng kanilang labis na kasiyahan, nalagasan sila ng kakampi.

Nagkita muli ang mag-asawang Pascua sa pamamagitan ni Miya. Nagtaka ang Ama ni Xandrus dahil sa pagluluksa ng kanyang asawa. Sinubukang sabihin ni Kyla ang nangyari ngunit hindi niya magawa dahil hindi rin siya makapaniwala.

Nanghihingi ng tawad si Miya sa lahat dahil sa kanyang nagawang ikinasira ng eskwelahan. Wala siyang nagawa nang agad siyang hinuli ng mga kawal dahil sa pakikipagsabwatan niya sa mga kalaban.

Nakalaya na ang mga estudyante at mga guro at nagulat sila sa nangyari sa eskwelahan dahil sira-sira na ang mga gusali.

Nakalaya rin si Philip mula sa pagkakulong niya sa loob ng gym. Alam niyang may nangyari. Alam na alam niya dahil sa kakayahan niyang makakita ang nakaraan at kinabukasan.

Binitawan niya si Ryubi na hawak niya at hinayaang tumatakbo palayo sa kanya. Alam niyang nananabik na rin ang pusa sa muling pagkikita niya sa kanyang amo.

Nakita niya kung paano nagyakapan ang mga kaibigan ni Jai dahil sa tuwa. Ayaw niya sanang putulin ang kanilang kasiyahan ngunit malalaman at malalaman rin nila kung ano ang nangyari.

Sinalubong siya ng magkakaibigan at binigyan sila ng ngiti ngunit agad napansin ni Raphael ang kanyang pagkalungkot.

"Oh, ba't parang hindi ka masaya, Philip? Nagtagumpay tayong bawiin ang lupain ng Pecularia," sabi sa kanya ni Raphael.

"Sundin niyo ang pusa ni Jai," tanging sinabi niya sa mga kaibigan ni Jai sabay turo na ikinataka nila kaya agad nilang sinundan si Ryubi.

Nagtaka ang magkambal at si Leia dahil pumasok sa loob ng Libraria ang pusa ni Jai. Nakita nilang umakyat sa hagdan patungo sa itaas ang pusa kaya sinundan nila hanggang sa nadatnan nila na ang lahat.

Nasira nang tuluyan ang buong silid, at tanging ang kabaong lang ni Prinsesa Jainia ang hindi na nagalaw.

Nakita nila na nakahandusay na sa sira-sirang sahig ang walang buhay na Kaiser, Reyna Valentina at ang Haring pasimuno sa lahat.

Nakita rin nila kung paano nagluluksa si Xandrus habang nasa kanyang bisig pa rin si Jai, na wala na ring buhay.

"Xandrus, anong nangyari?" tanong ni Raphael.

"Wala na siya. Wala na si Jai," walang buhay niyang tugon.

Sa pagkakataong iyon, tila hindi makapaniwala ang tatlo sa narinig nila mula kay Xandrus. Bumigay na rin sila at hindi na pinigilan ang mga luha sa kanilang mga mata.

"H-hindi 'yan totoo, Xandrus! Sabihin mo, hindi 'yan totoo!" sabi pa ni Raphael habang dahan-dahang lumalapit sa kanila.

Nakita niya si Jai na wala nang buhay at may pana pa sa likuran niya. Napaluhod na lang siya sa sahig na parang bang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Ang minsang iniinis niya, kalaro niya,

...at ang minahal niyang si Jai ay wala na.

Napuno ng pagluluksa ang tuktok ng Libraria. Tanging iyak ng mga nawalan ng kaibigan ang maririnig lamang rito.

Hindi nila aakalain hahangtong ang lahat sa ganito.

Hindi nila alam na matatapos ang lahat ng kaguluhan kasabay ng pagkamatay ni Jai.

Bumagsak mula sa kalangitan ang mga patak ng ulan, na parang bang nakikidalamhati rin ang panahon sa pagkawala ni Jai.

Nagsipagtakbuhan na ang lahat ng mga estudyante at guro at humanap ng masisilungan pansamantala, ngunit tila hindi gumagalaw sa kanilang pwesto ang magkakaibigan sa tuktok ng Libraria.

Sana nga mapawi ng ulan ang sakit na nadarama nila.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon